❧ ❧ ❧ DHIENA's POV Minulat ko ang mata ko at nilibot ang paningin ko sa buong kwarto kung na saan ako, puting puti ang paligid at may suwerong nakadikit sa braso ko. Nilingon ko ang lalaking nasa gilid ko na nakatungo. Ah— si Zion, mukhang pagod na pagod siya at hindi komportable sa pagkakatungo niya sa gilid ng kama ko, gusto kong abutin ang ulo niya at haplusin ito. Kaya kahit parang bigat na bigat ako sa katawan ko ay pilit kong inabot ang buhok niya at hinawakan ito, na pangiti ako at hindi ko alam bakit pakiramdam ko sobrang bigat nang nararamdaman ko. Umiyak na lang ako nang umiyak dahil pakiramdam ko sa katawan ko ay may kulang, may mali at kinakabahan akong malaman kung tama ang kutob ko. "Hmm, Dhiena?" Bumangon siya at na gising sa pagkakahawak ko sa buhok niya, agad niyang

