❧ ❧ ❧ DHIENA's POV Buhay naman akong nakarating sa bahay niya matapos niyang magpaneho na parang action star sa pelikula. Hindi ko inaasahan na aabutin lang kami ng fifteen minutes bago makarating sa mansyon niyang 'to. "Kakaloka akala ko mamatay na ko," banggit ko habang binubuksan ang pintuan at bigla niya na lang akong niyakap mula sa likod. "Faster, I'm not willing to wait," banggit niya na kinamula ko, bakit ako naman 'tong na mumula ngayon samantalang kanina ako itong ang lakas mang-asar sa kaniya. Nako Dhiena kasalanan mo 'to eh, kung hindi ka lang nang gigil sa kaniya edi sana natutulog kana ngayon. "Ah bakit ba ayaw bumukas nito," sabi ko dahil miske kamay ko na nginginig sa pagbubukas ng pinto. "Hey stay focus, baliktad kasi." Hinawakan niya 'yung kamay ko sabay tukod ng

