❧ ❧ ❧ DHIENA's POV Bangag akong bumangon mula sa higaan, halos mag aalas tres na nang umaga nung nakauwi kami at na tapos ang pa-fiesta ni lolo Satoshi, para kaming nagkaroon ng malaking kapistahan sa baryo nung dumating siya dala-dala ang bonggang catering service mula sa Manila. Nakakabuang, halos buong oras ata ay nakanganga ako sa mga biglaang pangyayari na 'yun, halos lahat ng kapit-bahay ko may balot at uwing ulam pa mula sa handaan. "Grabe sakit ng ulo ko." Bumangon ako at tumingin na sa wall clock, juscopo ala una na ng hapon at ngayon lang ako na gising. Agad akong bumangon at dumaretsyo ng takbo sa kusina, wala na siya sa bahay at mukhang pumasok na siya sa opisina. "Kawawa naman si Zion, wala pang tulog 'yun." Tapos nag lasing pa sila nila papa kagabi, panay ang iyak ni pa

