Nilipat ni Craig sa ibang kuwarto si Inay, para daw komportable ito habang nagpapagaling dito sa ospital. Nagsabi si Inay na hindi na kailangan, dahil masyadong mahal ang bayad sa kuwarto na pinili nito, pero masyadong makulit si Craig. Iniisip tuloy nila na kami na. Hindi ko naman masabi sa kanila ang katotohanan, dahil ma-i-stress lang sila kapag naisip nila na baon ako ngayon sa utang kay Craig. "Maaga pa po ako bukas sa trabaho, kaya kailangan ko na pong umuwi. Gusto ko pa man din sanang sumama sa pagbabantay sa inyo." Ala-una na ng madaling araw nang magpasya siyang magpaalam. "Maraming salamat, hijo. Pasensya ka na din sa abala, huh." "Hindi po iyon abala sa akin," sagot naman ni Craig. "Magpagaling po kayo. Babalik po ako bukas, pagkatapos ng trabaho ko." Hinatid ko na si

