Lalabas na ng hospital bukas si Nanay. Sa bahay na lang daw siya magpapagaling. Hindi pa din siya puwedeng bumalik sa pagtitinda. Madaming pinagbabawal sa kaniya ang doktor. Plano kong dagdagan iyong laman ng tindahan para ito na muna ang maging libangan nila ni Amang. Ayaw ko na din talaga na bumalik sila sa puwesto namin. Matanda na sila. Mas maganda ng magtinda-tinda na lang talaga sila sa bahay. Nagbukas ang pintuan at pumasok si Craig. May bitbit siyang mga pagkain, kasama niya ang isa sa kaniyang bodyguard. Umalis sila kanina. Akala ko nga ay uuwi na muna siya, iyon pala ay bibili lang ng pagkain. "Ang dami naman niyan," sabi ni Amang. Inayos niya iyong mga kalat sa mesa. "Opo. Para lumakas kayong dalawa ni Inay," magiliw naman na sagot ni Craig. Tumayo na din ako upang

