Dumating na sina Ate Rose. Ayaw pa siyang pakilusin ni Kuya Ethan kaya sa kuwarto na lang sila kumain ng hapunan. Maaga kaming naghapunan. Sa mga sandaling ito ay tulog din si baby Rozen. Hindi pa dumadating iyong yaya ni baby Rozen. Nurse daw ang kinuha ni Ma'am na magiging yaya niya. Ang sosyal talaga nila. Nakapaglinis na ako ng kusina. Si Manang ay magpapahinga na din. Ako naman ay sa sala lang matutulog para hindi na mahirapan sina Kuya Ethan na gisingin ako kapag kailangan nila ng tulong kay baby. Wala naman silang sinasabi sa akin pero sakali lang. Nandito naman ang mama at papa ni Ate, pero syempre katulong nila ako dito kaya kailangan kong tumulong. Alas-dies nang gabi nang gisingin ako ni Tita. "Bakit dito ka natulog, hija?" "Ah, Tita. Baka kasi kailangan ako nina A

