19

1945 Words

Iniba niya iyong palabas, saka dahan-dahan na naupo sa kama, habang hawak ang kaniyang tiyan. Napaungol pa siya nang makaupo siya. "Masakit pa?" tanong ko naman. Hindi ako dapat mabait sa kaniya, pero hindi ko naman maiwasang makaramdam ng awa lalo sa sitwasyon niya. Kung bakit kasi ang kulit niya? Sumama pa kasi siya sa bahay at pinilit kumain sa mga pagkain na hindi naman niya nakasanayan. "Nanghihina ako..." Kita ko na bahagyang nanginginig ang kaniyang mga binti. "Mahiga ka na muna. Magpahinga ka," bilin ko naman. "Mamaya, tatalab na din iyong gamot na ininom mo." "Okay..." Mahina ang kaniyang boses. "Masakit kapag gumalaw ako," nakangiwi niyang sabi. "Eh, di, huwag ka kasing gumalaw," sabi ko naman. "May tubig pa?" Inabot ko sa kaniya iyong isang bote ng mineral.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD