"W-What?" Lito akong nakatingin kay Marko. "What did you say, Marko?" Hindi nagsalita si Marko. Humakbang siya palapit kay Maisie. Nakatulala lang naman ang bata. Naguguluhan sa paligid. "Marko, I'm asking you!" sigaw ko. May kailangan ba akong malaman? Ilan pa ba ang kailangan kong malaman? Para bang may sarili silang mga mundo at hindi ako kasali. Nagsusumamong nakatingin si Anne kay Marko. Yumuyugyog na din ang kaniyang balikat. "No! Ako ang mommy ni Maisie. Ako ang nagpalaki sa kaniya! Ako ang nasa birth certificate niya," giit ni Anne. "You know to yourself that you're not the mother." Teka, sino ba ang Mommy ni Maisie? At bakit siya napunta kay Anne? Bakit kay Anne iniwan si Maisie? Kilala ni Anne iyong babae? Nang mabanggit ko kay Marko kanina na may anak sila ni Anne,

