Nagising akong mag-isa na lang sa kama. Maaga pa naman. Alas-sais lang ng umaga kaya nakakapagtaka na wala na si Craig sa tabi ko. Nagmumug na muna ako bago ako lumabas ng kuwarto. Nadatnan ko siya sa kusina. Sumisipol habang nagtitimpla ng kaniyang kape. Tipid akong ngumiti habang pinagmamasdan siya. Unti-unting bumalik sa aking alaala iyong mga nangyari kagabi. Nag-init ang aking pisngi. Hinaplos ko ito at mariing napapikit. Parang ramdam ko pa ang mga haplos at halik niya. Nakaramdam ako ng kakaiba pero mas nanaig iyong hiya ko. Nakita niya iyong ano ko. Nakakahiya! Hindi lang niya basta nakita. Tinitigan pa niya at hinalikan. Nilingon niya ako. Nakangiti siya. Nang mapansin na para akong wala sa sarili nagtaas siya ng kilay. Nag-iwas naman ako ng tingin dahil pakiramdam ko

