"What happened to you?" Napatingin ako sa mga gasgas ko sa braso kung saan siya nakatingin ngayon. "Ah..." Ano na ba ang English n'on? Kailangang English ko siya sagutin. Kailangan kong gamitin iyong mga ilang english na salita na natutunan ko sa pagbabasa. "Disgrace in the motor..." Ang galing ko! "What?" tanong niya. "Huh? Disgrace in the motor nga," ulit ko naman. Gumuhit ang ngisi sa kaniyang mga labi. At natutuwa pa siya sa nangyari sa akin? "Kawawa ka naman pala," sabi niya. "Wala 'to. Malayo sa bituka." Bumukas ang elevator sa penthouse. Dito na naman siguro siya makikikain kaya siya nagpunta dito. "Hi, Ate!" "Anne! Na-miss kita!" Napangiti ako. Nakakatuwa na hindi na iba ang turing ni Ate Rose sa akin. Tinuring niya akong kaibigan at pamilya, kahit na katulong

