CHAPTER 15

2360 Words

Bagsak ang balikat na lumabas si Ken Benedict sa shop ng dalaga. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari sa kaniya ngayon. Para siyang nabagsakan ng maraming problema. Ito na ba ang karma niya sa p*******t sa dalaga? Bakit ganito? Bakit ang hirap paniwalaan na ayaw na nito sa kaniya? Bakit mas masakit pa ito sa nalaman niya na wala na si Jennifer? Mas masakit pa ang dinulot ni Jess sa kaniya. Akala niya ay puso lang ang nasaktan pero bakit buong katawan niya ang nanghihina dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya ngayon. Napasabunot na lang siya sa kaniyang buhok dahil hindi niya alam kung ano na ang gagawin niya na wala na sa kaniya ang dalaga. Kasalanan niya lahat kung bakit napapagod na ito sa pagmamahal sa kaniya. He took her for granted. Tanggap lang siya nang tanggap sa pagmamaha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD