Agua’s POV Nakita ko kung paano tumiim ang bagang niya ng marinig ang sinabi ko. Muli kong tinaas ang kilay at sinalubong ang galit niyang mga titig. Nang hindi siya umimik ay humakbang ako para iwan siya. “Tigil-tigilan mo ko Montefalco,” nawalan na ‘ko ng respeto sa kanya. Total hindi ko na naman siya boss so bakit pa ako mag-si-Sir? “Tigil-tigilan mo ‘ko, nagdidilim paningin ko sayo,” saad ko pa ngunit muli akong napahinto ng muli niya kong hawakan sa braso. “I’m just concern–” Pinilit kong binawi ang hawak niya ngunit ayaw niya ‘kong bitawan. Galit na napaharap ako sa kanya. “Concern? Really? After all the sh*ts you did to me? Mas nakagagago ‘yung ginawa mo!” Muli kong sinubukang bawiin ang kamay ko ngunit ayaw niya itong pakawalan. “Ano ba!” Nagulat ako ng bigla na lamang niya

