Agua’s POV “Uwi na ‘ko,” saad ko at nilayo ang sarili sa kanya. Pinahid ko ang luha sa aking pisngi at nagsimulang maglakad ngunit muli nahinto ako ng pigilan n’ya ko sa braso. “Where do you think you’re going?” Bakas ang inis sa kanyang boses. Hindi ko siya nilingon. “Maghahanap ng masasakyan–” “Are you out of your mind? After what happened—” Galit na binalingan ko s’ya ng tingin. Nang makita nito ang mga mata ko’y muling kumalma ito. “At sa tingin mo pagkatapos ng ginawa mo sasakay ulit ako sa sasakyan mo? Niligtas mo nga ako sa mga gagong iyan, pero kamatayan lang rin kababagsakan ko sayo–” “Sakay,” mando n’ya sa ‘kin na ikinahinto ko sa pagsasalita. “Ayoko!” May diin kong saad. “I’ll drive you home–” “Home? Kabilang buhay ang tungo mo hindi bahay!” Ramdam ko ang pagpip

