Agua’s POV Ipokrita ako kung sasabihin kong ‘di ako tinamaan ng kilig pero nagpanggap akong hindi ko narinig, na wala akong paki. Nagpatuloy lamang ako sa pagsandok ng kanin at paglagay nito sa plato ko. Sunod kong nilagyan ang maliit na bowl para sa sabaw. Humigop ako, natigilan ako saglit dahil infairness, masarap, kuhang-kuha niya ‘yung asim ng sinigang na gustong-gusto ko. Potek! Gwapo na nga, matikas na nga, CEO pa, sarap pa niya–este sarap pa niyang magluto! “Ba’t gan’to lasa nito?” Napakunot ang noo ko sa sinab ni Thirdy at napatingin sa kanya, nakangiwi ang mukha nito. Okay naman, ah! Ang sarap nga! Sing sarap ng luto ng Lola ko. “Why? It tastes good to me,” nagtataka ring tanong ni Ian. “Ba’t mapait?” Mas lalong napakunot ang noo ko. “Mapait pinagsasabi mong ungas ka!” N

