Chapter 36 Agua’s POV Hindi siya kumibo ngunit naririnig ko ang mabibigat niyang paghinga. Inis na pinunasan ko ang luhang ayaw paawat sa pagpatak sa mga mata ko. Nakatalikod ako sa kanya habang yakap ang sarili. Nanunuot ang lamig sa katawan ko, punit-punit na kasi ang damit kong winasak niya. Ilang minutong pamailanlang ang katahimikan sa loob ng kanyang sasakyan matapos ang kababuyang ginawa niya. Tanging ugong ng sasakyan ang maririnig sa loob nito at paghinga ng bawat isa. Naiinis na ‘ko dahil ‘yung mga luha ko ayaw paawat, panay ang pagpatak, parang mga tanga lang. Naramdaman ko ang paggalaw niya. Hindi ko iyon pinansin. Naramdaman ko na lamang ang paglapat ng suot niyang coat sa katawan kong hubad na mas lalong kinainisan ko. Parang tanga lang kasi ‘yung gago, matapos niya ‘ko

