Agua’s POV
Nang dumating ang alas dose ay nilabas ko na ang mga baunan ko. Isa para sa kanin a isa para sa ulam. Natakam ako agad ng maamoy ko ang lutong adobo ni Lola. Pangalawa ito sa paborito ko sa luto ni Lola ngunit ang pinakapaborito ko talaga ay ang pinaupong manok ni Lola, sobrang sarap, yung tipong makakalimutan mo ang pangalan mo. Naamoy ko na ‘tong adobo kaninang umaga ngunit itlog at ham ang inulam namin. Akala ko’y luto ng kapitbahay iyong naamoy ko. Kay laki ng ngiti ko a sabik na ‘kong kumain.
Nag-sign of the cross ako bago nagsimulang kumain. Gamit ang kutsara ko ay nilagyan ko ng sabaw ng adobo ang kanin ko. Tapos naghiwa ako ng kaunti mula sa karne at tinusok iyon ng tinidor. Sinubo ko ang kanin, kasunod ang karneng baboy na nakatusok sa tinidor.
Muli’y napapikit ako upang namnamin ang sarap ng luto ng Lola ngunit agad ring naibuka ang mga mata ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Sir at niluwa siya nito. Mabilis kong nilunok ang laman ng bibig ko.
“Agua, I’ll go out for lunch–” nahinto ito bigla kasunod ang paglukot ng noo nito. “What’s that smell?”
“Ang alin po?”
Hindi niya ‘ko sinagot tila may hinahanap ang ilong niya. Napadako ang atensyon niya sa baunan ko.
“Yung ulam mo,” saad ito.
“Ay, hala, Sir! Sorry, hindi nyo po ba nagustuhan ang amoy.” Nataranta ako bigla. “Sa labas na lang po ako kakain–,” saad ko at akmang tatakpan ang baunan ko.
“No, it smells good,” saad niya. Natigil naman ako at napatingala sa kanya. Mukhang gusto niya ang ulam ko. Well marami naman ito pwede ko namang i share kung hindi siya maarte sa pagkain. Malinis rin naman itong ulam ko.
“Gusto niyo po?” Alok ko sa kanya. “Luto po ng Lola ko, masarap po, promise,” ilang segundong hindi siya nakasagot. Nagulat na lamang ako ng kunin niya ang tinidor ko at kumuha sa ulam sabay subo. Nakatulalang nakatitig lamang ako sa kanya. Kasi naman, nalawayan ko na ‘yung tinidor ngunit tila wala siyang paki kung nagamit ko na o hindi. Ninamnam niya ang adobong ng lola. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan habang hinihintay ang hatol niya sa ulam ko.
Matapos ang ilang segundo ay napatango-tango siya.
“Masarap,” maikli niyang saad.
“Sayo na lang po, Sir,” alok ko sa kanya kahit na gusto ko pang kumain.
“Thank you,” napaawang na lamang ang bibig ko ng bigla na lamang niyang kinuha ang baunan ko at dinala papasok sa loob ng kanyang opisina dinala pati ang tinidor ko.
Nagkibit balikat na lamang ako. Mabuti na lang at marami ang nilagay kong sabaw sa kanin ko.
“Okay na ‘to,” muli ay sumubo ako.
Hindi ako nainis o kaya nagalit dahil kinuha niya ulam ko bagkus ay namangha ako dahil buong akala ko pag ganito ka yaman ‘di marunong maka-appreciate ng simpleng lutong bahay. Napangiti ako saglit. Green flag ka dyan, Sir.
Abala na ‘ko sa pagkain ng muling natigil ako sa biglang pagpasok ng lalaking naka itim na suit na may hawak na paper bag. Agad ko siyang nakilalala Si Sir Lui.
“Good morning po, Sir!” Bati ko sa kanya.
“Good morning, Ms. Suarez!” Bati niya sa ‘kin at tuloy-tuloy ito sa pagpasok sa loob ng opisina ni Sir. Ilang minuto rin siya sa loob bago lumabas ng opisina ni Sir.
Tumunog ang intercom kasunod ang boses ni Sir.
“Agua.”
“Yes, Sir?”
“Come inside and bring your food.”
Yun lang at agad na nawala siya sa linya. Hala baka pati kanin ko hingin niya. Dahil sa naisip ay sunod-sunod kong sinubo ang tatlong kutsara ng kanin para kung hingin niya atleast nabusog ako. Halos mabilaukan ako sa ginawa punong-puno ang bibig ko ngunit ang ‘di ko inasahan ay biglaang paglabas muli ni Sir ng opisina.
Napatitig siya sa ‘kin, mukhang nagulat sa itsura ko habang ako’y uminit ang pisngi sa kahihiyan. Tiyak ang pangit at ang sagwa kong tingnan.
“Cute, like a hamster.”
Napakurap-kurap ako habang nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa sa sinabi niya o ano, eh.
“Bilisan mo dyan, I’m already hungry,” pagkasabi’y muli siyang pumasok sa loob ng opisina.
Mabilis kung nginuya ang laman ng bibig ko at nilunok saka uminom ng tubig.
Hindi ko na tinakpan ang baunan ko at dinala iyon sa loob ng kanyang opisina. Nakita kong nasa pantry na siya at nakaupo sa isa sa mga stool sa harapan ng counter island at kumakain. Nakalatag na sa harapan niya ang kaninang laman ng paperbag na dala ni Sir Lui. Sa harapan ni Sir may isa pang plato.
“Join me here.”
“Sa pagkain po?”
“Sa pagligo, you want?”
Napakurap-kurap ako sa naging sagot nito. Ewan ngunit yung utak ko agad na na-imagine ang sariling kasama si Sir naliligo, potek muling uminit mukha ko sa naisip.
“Agua, umupo ka na. Sabayan mo ‘kong kumain,” untag nito sa ‘kin.
Agad na lumapit ako. Mas lalo akong nagutom ng makita ang mga nakahandang pagkain sa ibabaw ng mesa.
“Eat all you want. Don’t be shy.”
Hindi na nga ako nahiya. Natakam na rin kasi ako. Maya-maya nga’y nagsimula na akong kumain. Napatingin ako kay Sir. Wala siyang ibang kinain kung hindi ang adobo ni Lola. Lihim akong napangiti. Tiyak na matutuwa si Lola pag nabalitaan nitong nagustuhan ni Sir ang niluto niya.
“I like it,” biglang saad niya saka nag-angat ng tingin sa ‘kin. “It’s delicious.”
“Masarap po talagang magluto si Lola, Sir. Lalo na siguro pagtikman mo ang pinaupong manok niya. Nako makakalimutan mo ang pangalan mo, Sir. The best po si Lola magluto po. Sobrang sarap niya po talaga magluto as in–”
“Okay,” tanging tugon niya at nagpatuloy sa pagkain. Nahinto naman ako sa pagsasalita. Medyo napadaldal yata ako.
Nagpatuloy ako sa pagkain. Nakita kong walang tubig si Sir kaya naisipan kong kunan siya ng tubig.
“Saglit lang po. Ikukuha kita ng tubig, Sir.”
Tumayo ako at kumuha ng bottled water sa loob ng kanyang personal ref. Naghanap ako ng baso. Unang tinignan ko ang mga drawer ngunit wala ito roon.
“What are you looking for?”
“Baso po, Sir,” sagot ko na ‘di tumitingin sa kanya at nagpatuloy sa paghahanap sa mga drawer ngunit pagbaling ko sa kaliwa’y naestatwa ako bigla ng matipunong dibdib niya ang sumalubong sa paningin ko. Konting-konti na lamang ang distansya niya sa ‘kin, sa lapit niya ay tumatama ang init ng hininga niya sa akin. Wala sa sariling napapikit ako ng maamoy ko ang pabango niya. Tila kay sarap niyang yakapain.
“It’s here,” mabilis kong naibuka ang mga mata at napatingala ako sa kanya ngunit naagaw ang mga mata ko sa paggalaw ng kanyang adam’s apple habang nakatingala sa nakabukas na hanging cabinet. Napalunok ako ng wala sa oras, paanong naging sexy sa paningin ang simpleng paggalaw ng adam’s apple. Halos tumama ang katawan niya sa katawan ko habang inaabot ang baso. Muli’y naglakbay patungo sa gwapo niyang mukha ang mga mata ko. Ang gwapo talaga niya, pisti!
“Here,” nagtagpo ang mga mata naming dalawa ng iabot niya sa ‘kin ang kinuha niyang baso.
“I-It’s yours, Sir,” nauutal kong bigkas. Ewan ngunit ‘di ko napigilan ang sariling mapatitig sa mga labi niya.
“It’s yours. You seem thirstier than I am, Agua,” kasunod ang paglapat ng hintuturo niya sa ilalim ng baba ko upang itikom ang bibig ko.
Shet!