Agua’s POV Ipokrita ako kung sabihin kong hindi man lang ako kinilig ngunit naisip ko kung tatanggapin ko ang mga binigay niyang ‘to iisipin niya na okay na ako, na okay na kaming dalawa. May pride pa naman akong natitira sa sarili ko kahit na natutukso akong tanggapin ang mga ito. Binalik ko sa bouquet ang card. “Hindi ko matatanggap ‘to,” tinignan ko sila. “Hindi ko matatanggap ang mga ‘yan. Ibalik niyo na lang ‘yan sa nagpadala—” “Ma’am, tanggapin niyo na lamang po. Ang laki ng tip ng nagpapabigay nito sa sayo sa ‘ming mga rider baka po kasi bawiin. Laking tulong pa naman ng tip nito sa ‘min,” saad ng isang rider. “Oo nga po, ma’am. Sige na po, ma’am, tanggapin niyo na lang po,” segunda pa ng isa. “Oo nga apo, sayang naman at kay dami ng mga ‘yan. Kanino ba ‘yan galing?” “Kay DI

