Ian’s POV Napasapo ito sa ilong niyang tinamaan ng kamao ko. Matalim ko siyang tinitigan, kasabay ng paghigpit ng kamao ko. Nanggigigil ako sa galit, gustong-gusto ko na siyang durugin. Inalis nito ang kamay sa ilong niya, agad nakita ko ang pag-agos ng dugo mula rito at nang tingnan niya ang kamay na may bahid ng sarili niyang dugo’y napatiim bagang siya, madilim ang mga matang tinignan ako muli. Nang humakbang siya upang sugurin ako’y hinanda ko ang sarili. Sabay na sumugod kaming dalawa sa isa’t-isa. Nang magpagkawala siya ng suntok ay mabilis ko iyong inilagan kasunod ang mabilis kong pagbanat ng suntok sa tagiliran niya. Napaigik siya sa sakit, napa urong ng bahagya, bakas sa mga mata ang galit. Muli’y nagpakawala ako ng suntok, nakailag siya sa unang suntok ngunit sapo ang mukh

