One year later… “Hello?” inaantok na itinapat ni Mia ang cellphone sa tenga niya. “I’m patiently waiting for you, Mia. Gusto mo bang itakwil na kita?” Lumukot ang noo niya habang nakapikit. Ilang oras pa lang ang naitutulog niya at masakit pa ang ulo niya pagkatapos ay gigisingin lang siya ng pinakatahimik niyang nanay para lang kulitin na naman. Halos umagahin na siya ng uwi dahil hindi niya mahindian ang assistant niya na um-attend ng bridal shower nito. Akala niya ay simple lang ang celebration. A typical bridal shower para sa isang mahinhin at tahimik niyang assistant pero nagulat na lang siya nang may tatlong kalalakihang bigla na lang lumitaw at walang sabi sabing sumayaw sa harap nila habang isa isang tinatanggal ang mga kasuotan. Halos lumuwa tuloy ang mga mata niya sa gula

