“Sh!t!” Napatingala siya nang isa isang pumatak ang ulan. Kung bakit ang ganda naman ng panahon kanina ay bigla naman umulan. Magpapalipas pa sana siya ng sampung minuto at aalis na siya, kamalasan ay inabot pa siya ng ulan. Wala pa naman siyang dalang payong. Tumakbo siya sa waiting shed sa 'di kalayuan. Pero dahil bigla ang paglakas ng ulan ay nabasa pa rin siya. Tiningnan niya ang oras. 5:45 pa lang ng hapon at nag-uumpisa ng dumilim. Tiningnan niya ang paradahan ng tricycle pero wala na ni isang nakaparada. Doon kasi nagtakbuhan ang mga namamasyal na inabutan din ng ulan. Tumingin siya sa paligid. Pakonti na ang mga tao. Iilan na lang ang katulad niya ay nakasilong at naghihintay din ng masasakyan. Pero maliwanag naman sa lugar kaya hindi siya kinakabahan. Medyo nanginginig na rin

