Nilingon niya ang bahay. Madilim sa loob at wala ni isang bukas na ilaw. Nakailang buzzer na rin siya pero walang indikasyon na may tao sa loob. Naiinis na kinuha niya ang cellphone at tumawag sa Mama niya. Nagngingitngit pa rin ang loob niya sa sama ng ugali ni Ken para iwan siya sa labas ng bahay nila na hindi man lang sinigurado kung nandito na ang Mama niya. Samantalang, ito mismo ang nagsabi na magkasama pa ang Mama niya at Tita nito. “Napaka-ungentleman talaga!” bulong niya habang hinihintay na sagutin ng Mama niya ang tawag niya. “Ma, nandito na ‘ko sa bahay. Asan ka na?” agad na tanong niya. Medyo maingay sa kabilang linya at tila may iba pang kausap ang Mama niya. “Nandito pa kami ng Ninang mo sa Mindoro. Nagkaroon kasi ng emergency, isinugod namin sa hospital ang mga bata due

