Pagpasok pa lang ay iginala na ni Mia ang paningin sa loob ng restaurant. Same place… Dito sila unang nag-date pagkatapos nitong magtapat sa kanya. Napangiti siya nang lumingon ito sa kanya at kumindat. “Remember this place?” “Yeah! Lagi ka pa rin ba pumupunta rito?” tanong niya habang ipinaghihila siya ng upuan. “Hindi. Ngayon lang ulit. I was just thinking kung saan masarap kumain and it happened to come in mind,” casual na paliwanag nito. Tinawag nito ang waiter. Pagkatapos ibigay ang order ay tiningnan siya nito. They casually talk while waiting to serve the food but no one seems to bring up anything about the past. After few minutes ay inilapag na sa table nila ang mga pagkain na in-order nito. At dahil busog pa ay um-order na lang siya ng cake para sabayan ang binata sa pagka

