Habang kumakain ay tahimik sila pareho. Panaka-nakang tumitingin si Mia kay Ken na wala yatang balak na magsalita kaya itinuon na lang niya ang atensyon sa pagkain. Busy din naman ito sa kakatingin sa cellphone nito na mukhang may hinihintay na tawag o kung anuman. Kaya hindi na rin niya ito pinansin. Since para naman pala sa kanya ang mga pagkaing iyon ay hindi niya sasayangin. Kagabi pa walang laman ang tiyan niya at sa sobrang gutom at focus sa kinakain ay halos nakalimutan na niya na may kasama siya. “Can you please eat slowly. Hindi ka ba natatakot na mabulunan?” Napaangat ang tingin niya mula sa pagkakayuko. Nakasalubong niya ang seryosong mukha ng binata. Kumunot ang noo niya saka ipinagpatuloy ang pagkain. Ayaw niya sanang makipag-usap dito dahil lagi naman mainit ang ulo nit

