Julian Vihaan Monticello Pov Naging successful ang operation ni mommy at ngayon ay nasa bakasyon na sila ni daddy. Higit dalawang buwan na rin kasi mula ng naoperahan siya at mas gusto ni daddy na mag bakasyon sila. Humahanga ako sa pagmamahal na meron si daddy para kay mommy. Mula noong mga bata pa kami ni kuya nakita namin kung paano niya alagaan si mommy at ganun din si mommy, daddy. At hinahangaan ko ang pagmamahal na meron sila. “Wala ka bang pasok ngayon JV?" tanong sa akin ni kuya ng pumunta siya sa bahay para kunin ang mga mahahalagang papeles sa opisina ni daddy. “Wala ako sa mood pumasok." “Wala sa mood? Yan lang ang rason mo kaya ayaw mo pumasok? JV, wala ka na sa high school para sa mga ganyang rason mo. Seryosohin mo ang pag aaral mo para hindi masayang ang pera ng mga ma

