Julian Vihaan Monticello pov Hindi ako mapakali buong maghapon dahil hindi nagrereply sa mga text ko si Mae. Iyo na nga ata ang karma ko, dahil sa pambubully ko sa kanya dati. Hindi ko naman kasi inaasahan na mainlove ako sa kanya ng makita ka ulit siya. Alam ko na may nararamdaman na ako sa kanya dati pa pero binabalewala ko iyon dahil sa pag aakala na gusto ko lang siya asarin.pero ng makita ko ulit siya sa airport. Parang ayaw ko na siyang pakawalan pa at ikulong na lang sa mga bising ko. Sinubukan ko rin siyang tawagan pero hindi niya sinasagot ang tawag ko kaya minabuti kong tawagan si tito. “Hello, tito." Agad na sabi ko ng sagutin niya ang tawag ko. " Oh, Jv napa tawag ka?" Tanong niya. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nag salita ulit sa kanya. “Tito, nandiyan po ba s

