Pagkatapos ng kasal namin ni Jasper agad na kaming pumunta dito sa Cebu. "Hon, kanina ka pa tahimik, okay, ka lang ba?" Tanong sa akin ni Jasper ng makarating kami sa aming hotel kung saan kami mag stay ng limang araw. "Wala may iniisip lang ako." Sagot ko saka ngumiti sa kanya. Lumapit naman siya sa akin at yumakap. "Hindi ka ba masaya na kasal na tayong dalawa?" Tanong habang hinalikan ako sa aking leeg. "Masaya syempre, sino ba ang hindi magiging masaya kung isang, Vaughan Jasper Monticello ang mapapangasawa mo, hindi ba?" Sagot ko habang hinahaplos ng kanyang mukha. Totoo naman yun sino ba ang hindi sasaya kung si Jasper ng magiging asawa niya. Pero hindi ko alam kung bakit may parte ng isip ko na sinasabing hindi ako masaya. "Alam ko na maninibago ka sa ating sitwasyon, pero wag

