Masaya akong pumasok ngayon araw sa school at the same time ay excited din ako. Ngayong araw ang huling klase namin at at sa susunod na araw ay graduation namin. Excited na akong umalis ng bansa at sa US mag aral. Pero malungkot din ako dahil hindi ko na makikita si Stephen. “Hi Rhea, mukhang masaya ka ngayon ah?” tanong sa akin ni Riley. “Yes, I am. Dahil ito na ang huli natin pasok at bukas ay mag papahinga na tayo at mag hahanda na lang para sa graduation natin. Ikaw ba hindi ka masaya?” balik tanong ko at kumapit sa braso niya. “ Excited syempre, sino ang hindi excited kung papasok na tayo sa college.” sagot niya sa akin. Ang ganda din talaga ni Riley Brielle, namana niya ang ganda ni tita Richelle. Sabagay gwapo din naman ang daddy niyang si tito Brylle. Pati ang kuya Brace niya s

