Nagising ako kinabukasan ng nakaramdam ako ng na iihi ako kaya dahan dahan bumangon sa kama. Nilingon ko si Julian sa tabi ko na mahimbing na natutulog habang nakadapa sa kama. Tiningnan ko ang aking cellphone at alas na ng madaling araw, sigurado na nagtataka na si mommy at daddy dahil hindi ako umuwi ng bahay at marami na rin silang misscall sa akin. Kahit si Bernard may ilang misscall din at text. Bigla tuloy akong na konsensya ng mabasa ko ang mga text niya. Hinihintay niya ang tawag ko. Buntong hininga na bumagin ako at pumasok ng banyo. Medyo mahapdi pa ang ibaba ko pero kaya ko naman maglakad. Maligo na at nagbabad saglit sa bathtub, nang mag sawa ako ay tumayo na ako at nag banlaw sa shower bago lumabas ng banyo. Paglabas ko nakita kong naka upo na at nakasandal sa headboard ng kam

