Pinaupo ako ni Jasper sa pinakadulo ng mesa na hindi ako masyado mapapansin ng mga customer. Habang tumatagal ako sa pwesto ko at namimita ko kung paano magtrabaho si Jasper bigla na lang kumirot ang puso ko. Paano ko nagawa na pag isipan siya ng masama gayong hirap na hirap pala siya sa kanyang trabaho. Na kahit nasa loob siya ng aircon ay pinagpapawisan pa rin siya. Mas lalong na habag ang loob ko ng makita ko kung paano siya sigawan ng customer at tinawag na bobo. “Ang tanga mo naman, hindi mo magawa ng maayos ang trabaho mo dito, para sabihin ko bata, hindi lang sa itsura nadadala ang trabaho. Baka akala mo porket gwapo ka ay okay na. “ galit na sabi ng customer na lalaki kay Jasper. “I'm sorry po sir, papalitan ko na lang po ang coffee niyo.” Nakayukong sabi ng asawa ko. " Papalita

