Chasing Bella Chapter 22

1125 Words

Pagdating ng lunes bumalik na ulit kami ni Jasper sa pagpasok sa school, gaya ng dati sabay pa rin kami pumasok pero hindi ko pa rin siya gaano pinapansin sa loob ng campus para hindi mag duda sa amin ang iba naming ka klase. "Hi, Bella, kamusta ka na?" Nakangiting tanong sa akin ni Jake ng maupo ako sa aking upuan. Wala pa si Jasper, dahil pumunta ito sa court para mag practice ng basketball. Varsity player din kasi ito kaya maraming babae ang humahanga dito. Maliban sa gwapo at mayaman ay sikat din ito sa school dahil iba't ibang sa mga sport na sinasalihan nito. Ngumiti muna ako kay Jake bago sumagot. "Hi, Jake, okay lang naman ako, ikaw?" Balik tanong ko habang tipid na ngumiti sa kanya. "Okay, lang din naman, isang linggo kang hindi na ka pasok nagkaroon ka ba ng problema? " Aniya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD