"Go Bella kaya mo yan." Cheer sa kanya ng mga kaibigan. Nandito sila ngayon sa tabi ng dagat at naglalaro ng truth or dare at kapag hindi mo nasagot ang trurt o hindi o hindi mo magawa ang dare nila ay iinom ka ng tequila, at ngayon nga ay turn na niya. "Come on, girl bunot ka na." Ani pa sa kanya ni Flor na hakatang excited sa kanyang mabunot. Kaya naman inalog niya ang bowl at bumunot ng isang papel doon. "So, ano ang nakalagay?" Usyoso pa ng mga ito. "Dare." Sagot naman niya ng mabasa ang nakasulat sa papel. Nakangising tumingin sa kanya si Lily na para bang may masama itong binabalak. "At dahil ikaw ang unang naka bunot ng dare maging mabait ako sayo. Gusto ko na sumayaw ka ng lap dance kay Jasper. At dahil ikaw din ang una sa dare bawal luna tumangi at uminom ng alak." Aniya at

