Sinabi ko kag Mary Joy na ayaw ko muna umuwi ng condo ni Jonathan kaya niya kami dumerecho. Nagtatanong siya sa akin pero hindi ako nagsasalita. "Uminom ka muna ng tubig saka mo sabihin sa akin ang lahat." Aniya na inabot sa akin ang isang baso ng tubig. "Pasensya ka na Mary Joy ha kung nag alala ka sa akin." Ani ko at nilapag ng baso sa mesa. "Ano ba talaga ang nangyari bakit bigla ka na lang umiyak kanina. Saka sino ba ang kausap mo kanina? May Nakita akong kayso mong babae kanina bigla ka nalang umiyak ng umalis ito." Tanong niya at umupo sa tabi ng aking upuan. "Si Cheng ang kausap ko, Mary Joy. At sinabi na niya sa akin ang lahat lahat pati ang relasyon nila ni Jonathan." Sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko ba ike kwento sa kanya ang lahat lahat para maintindihan niya a

