CHAPTER 01

1834 Words
CHAPTER 1 BUMUKAS ang pintuan ng elevator nang makarating ako ng 50th floor kung saan nakatira ang aking best friend. Bumungad sa akin ang mahabang pasilyo na patungo lang sa malaking pinto na nasa 'di kalayuan. Napasulyap naman ako sa aking wristwatch habang naglalakad papunta sa pinto. I'm ten minutes late already, siguradong umuusok na naman ang bumbunan ng palautos kong kaibigan. "Bakit ko ba ginagawa ito sa gagong iyon?" naiiling kong bulong. I pressed the door bell in front of me. Napansin ko na bahagyang gumalaw ang camera na nasa itaas ng pintuan. "You're late," isang boses ang narinig ko mula sa maliit na speaker na katabi ng doorbell. "I'm five minutes early, kaya lang sa taas nitong tinitirahan mo, inaabot ako ng ilang minuto pa," sagot ko. "Sana mas inagahan mo." Napahilot ako sa sintido. Hindi ko pa man s'ya nakakaharap ay sumasakit na ang aking ulo. "Buksan mo na ang pinto, Roie. Kung ayaw mo, madali naman akong kausap," saad ko na lang. Kung wala lang kaming pinagsamahan ng mokong na ito, hinding-hindi ako susunod sa utos n'ya. Nataon pa na malaki din ang naitulong n'ya sa akin. Now I'm stuck with this person. Ilang segundo ang lumipas bago ko narinig ang pagtunog ng security system. Doon lang nagbukas ang pintuan. Nagtuloy na ako papasok. Nakita ko naman na nakaupo sa isang malaking leather couch ang taong sadya ko. He's playing video games on a 64" flat screen tv. Naiiling na lumapit na lang ako. Hindi na naman s'ya pumasok sa opisina. S'ya lang din yata ang nakilala ko na once a week lang kung magpakita sa sariling kompanya. "Noong isang linggo, nasa 40th floor ka," puna ko. Totoo naman. S'ya yata ang pinaka-wierd na tao sa bansang ito. Sa dami yata ng pera n'ya, nagpatayo s'ya ng isang higanteng building na para lang sa kanya. May sarili s'yang mall, restaurants at leisure rooms sa ibaba. Habang ang ibang floors naman ay bakante lang, ang iba naman ay pinalagyan n'ya ng gamit at ang iba ay naging parking lot lang ng mga kinokolekta n'yang mamahaling kotse. "Pangit ang view doon," sagot n'ya na hindi inaalis ang paningin sa nilalaro. I scoffed. Pare-pareho lang naman ang view kahit saan pang floor s'ya mapadpad. "Anyway," tumikhim ako. "Nadala ko na ang mga profiles ng madaming babae na pwede mong pagpilian." "Did they even reach the standards I set?" sige pa din s'ya sa paglalaro. "Ang sabi mo, dapat ay mayaman din ang babae—" "Hindi lang basta mayaman," doon lang s'ya bumaling sa akin. "Kailangan ay mula s'ya sa pamilya na mayroong at least millions of income every month." Gusto kong takpan ang tainga ko. Uulitin na naman n'ya ang walang kwentang standards na gusto n'ya. Tsk. Ibinaba naman n'ya ang gaming console na hawak saka umupo ng naka-de kwatro habang mataman na nakatitig sa akin. "Alam mo ang gusto ko Ethan," seryoso n'yang saad. "Hindi lang mayaman, gusto ko din ay iyong matalino at may magandang genes para naman hindi ako lugi." Ibinaba ko naman sa glass table ang makapal na folder na kanina ko pa hawak. "Magaganda ang mga nariyan." Tiningnan lang naman n'ya iyon. "Ayaw kong makakita ng kahit isang palpak sa mga kinuha mong babae." Psh. Kung makapagsalita talaga s'ya, akala mo s'ya ang tatay ko. Kaysa masagot ko na naman s'ya, tumayo na lang ako at nagtungo sa mini ref nasa isang sulok. "Beer?" alok ko. Tumango lang s'ya kaya kumuha ako ng dalawang bote. "Bakit ba bigla mong naisipan magpahanap ng magiging asawa?" tanong ko sabay abot ng beer sa kanya. Akala ko noong una ay nagbibiro lang s'ya nang sabihin n'ya ang tungkol dito. "I'm not getting any younger." Natawa naman ako. "Dude, you're just twenty six!" Clueless naman na sumulyap s'ya sa akin. "Bakit ikaw? May asawa at anak na?" Ako na naman ang nakita! Napairap na lang ako. "You know that my situation is different from yours. Mahal namin ang isa't isa. Samantalang ikaw, para ka lang bibili ng kotse sa pinagagawa mo sa akin." Nagkibit-balikat naman s'ya saka muling binalingan ang laman ng folder. "Nag-i-invest ako para sa future ko," aniya. "That's why I want the best. Unlike you, love is not necessary. Tama ka, malaki ang pinagkaiba natin." "Bakit ba ayaw mo na lang hinatayin ang babaeng para sa'yo? And this is not a freaking business, this is a lifetime commitment Roie, you need to invest emotions." Halos maasar ako nang ngumisi lang s'ya. "Tanga ka ba?" saad n'ya. "This is business, magpapakasal ako sa babaeng mayaman, maganda, matalino at may pinag-aralan. With that, makakasiguro ako na magkakaroon ako ng mga anak na may magandang genes." This guy is really unbelievable. "I'm just saying," inagaw ko mula sa kanyang kamay ang folder. "Malay mo, dumating na ang babaeng mamahalin mo." Napanganga naman ako ng bigla s'yang tumawa ng malakas na para ba akong nagbitaw ng joke. "May nakakatawa ba, Roie?" asar kong tanong. "Meron, ikaw. Ang tanda mo na, naniniwala ka pa sa ganyan." "Dahil totoo iyon. Nakita mo naman kami ni Tanya, we love each other so much that we want to spend our lifetime together." Natatawa naman na umiling s'ya. "Sad to say I don't believe in that crap. Love don't exist, and I'm not the person who can feel it." Hindi makapaniwala na ibinato ko na lang sa kanya ang folder. Bahala nga s'ya sa buhay n'ya! Ilang taon na naming pinagtatalunan ang bagay na ito pero palagi pa din akong naiinsulto sa pananaw n'ya. Kung makapagsalita s'ya ay para ba'ng naloko at nasaktan na s'ya ng babae. Samantalang no girlfriend since birth naman s'ya. "Bakit may resume dito?" kunot-noong itinaas n'ya ang isang papel. Napaangat naman ako mula sa aking kinauupuan. Mabilis kong inagaw iyon mula sa kanyang kamay. "Sa pagmamadali ko, napasama yata ng hindi ko napapansin," sagot ko. Hindi naman s'ya umimik. Pinanood ko lang s'ya na inisa-isa ang mga listahan ng babaeng ise-set up ko para maka-date n'ya. "May napili ka na ba?" tanong ko makalipas ang ilang minuto. "Wala. Lahat ng narito ay halos walang pinagkaiba sa spoiled brats na nakilala ko." Kulang na lang ay batuhin ko s'ya ng bote ng beer. Seriously? Ilang linggo kong inasikaso ang bagay na ito 'tapos wala man lang s'yang napili? Isa pa, I'm a freaking chef, not matcher! "Trash," aniya sabay bato ng folder sa kung saang parte ng living room. "You're hopeless." nasabi ko na lang. "It's your fault. Wala kang makuhang maayos na babae." Napipikon na nilukot ko ang hawak kong resume saka ibinato sa kanya. "I just followed your standards asshole!" "Actually, you almost got the perfect girl. Ang kulang na lang ay iyong babaeng hard working. Hindi naman ako mag-aasawa ng babae na tutunganga lang sa bahay ko. Gusto ko ay makakatulong ko din sa negosyo." "Alam mo," naasar na tumayo ako. "Bakit hindi na lang ikaw ang humanap ng babaeng papasa sa walang kwentang standards mo?" Tila naman balewala lang sa kanya ang sinabi ko. Tinaasan lang n'ya ako ng kilay habang nakahalukipkip. "Seryoso ka ba sa sinabi mo?" tanong n'ya. Napailing na lang ako. Alam ko na ang sunod na sasabihin n'ya. "Sabi mo sa akin, gusto mong mapasayo ang restaurant na hina-handle mo ngayon," pagpapatuloy n'ya. Napalunok naman ako. Alam na alam talaga ng gagong ito kung paano ako patatahimikin. "Sayang," umiling pa s'ya. "Balak ko pa naman bumili ng isla at magpatayo ng sarili mong restaurant doon." "Okay fine!" pagsuko ko. "Give me another week!" Ngumisi lang s'ya. Alam ko na ang tumatakbo sa utak n'ya. Tsk. Mahirap talagang magkaroon ng kaibigan na bilyonaryo. Sa dami yata ng pera n'ya, kaya n'yang magpaikot ng tao sa kanyang palad. Mindset na din yata n'ya na makuha ang isang bagay na gusto n'ya. "Aalis na ako, pakibalik sa akin ang resume na nasa gilid mo." itinuro ko ang lukot na papel na nasa tabihan n'ya. Dinampot naman n'ya iyon saka binuklat. Hindi naman nakaligtas sa akin ang pagkunot ng noo n'ya. "Sino ito?" tanong n'ya. "Isa sa mga nag-aapply sa resto." "I see." muli ay nilukot n'ya iyon saka ibinato sa akin. Kinuha ko na lang iyon saka tumalikod. Malapit nang masagad ang pasensya ko sa sira ulong ito.                                                                                                                                                                                             Roie's POV NANG makaalis si Ethan ay muli kong binalingan ang aking nilalaro. I need diversion. Sa totoo lang, naiinis na din ako sa kakupadan ng kaibigan ko. "Maghahanap lang ng disenteng babae, hindi pa magawa ng maayos!" nanggigigil na bulong ko. Ano ba'ng mahirap sa pinagagawa ko? Mas mahirap pa nga pumili ng bagong kotse kaysa babae. Kaya hindi ko maintindihan si Ethan kung bakit hindi n'ya magawa kaagad ang gusto ko. Bigla namang nag-ring ang aking cellphone. Patamad na dinampot ko iyon saka sinagot. "What?" bungad ko habang naglalaro pa din. "Roie my friend!" Nagtataka na tiningnan ko ang screen ng cellphone ko. Number lang ang nakalagay doon. "Who's this?" tanong ko. "Iyong totoo? You didn't save my number?" "Tinatanong ko kung sino ka." "It's Jace, your college buddy! I called you three days ago using this number, and you didn't even bother to save it?" Nagkibit balikat naman ako. "I forgot." "Tsk." "Bakit ka ba napatawag?" "Well, I just want to let you know that Vince is planning to buy a yacht this month. May mairerekomenda ka daw ba?" Tinawagan n'ya ako para lang sa walang kwentang bagay? Magpapalit na talaga ako ng sim card bukas! "Jace, I'm a business man. Hindi ako tindero ng yate." Narinig ko naman na tumawa lang s'ya. "You're also a shipping magnate." "Yes, do you even know the huge difference between yacht and ship?" Naubos na ba ang kakaunti nilang utak? Bibili ng yate tapos ako ang tatawagan? "Okay, masyado ka naman high blood. Siguro wala ka pa din nahahanap na fiance?" "Wala pa nga." "I already told you. Madaming dating sites and app, you should try it." Bahagya naman akong natawa. "Ano'ng akala mo sa akin, ganoon ka-cheap?" "Ewan sa'yo Roie. It's just a suggestion." Walang patutunguhan ang pag-uusap namin. Kaya kahit nagsasalita pa s'ya ay pinutol ko na ang tawag. I stood up and walk towards the glass window. I also dialled my secretary's number. "Sir?" "Ihanap mo ako ng pinakamahal na yate," utos ko. "I'm sorry?" Kunot-noong sinulyapan ko muli amg screen ng cellphone ko. Bingi ba s'ya? "Bingi ka ba? Ang sabi ko, ihanap mo ako ng yate, iyong pinakamahal." "C-copy sir. Kaya lang..." "Kaya lang ay ano?" "Saan n'yo naman ilalagay ang yate n'yo? Nasa ibang bansa ang mga private islands n'yo. Ipapadala ko po ba sa ibang bansa ang yate na pinapabili n'yo?" Napaisip naman ako. Oo nga pala. Saan ko ilalagay ang yacht ko? Hindi naman pwede sa public place dahil baka kapitan lang iyon ng talaba. "It's good that you also mentioned that, humanap ka na din ng island kung saan ko ilalagay ang yate ko." Akala yata ng Jace na iyon ay si Vince lang ang kayang bumili ng yacht. Tsk. Sa dami ng pera ko, kahit bilhan ko pa sila ng tig-iisang yate. "Noted na po sir Roie. Bakit mo nga pala naisipan bumili ng yate? May five yachts ka pa sa isa mong island sa Switzerland." "Wala lang, naisip ko lang." then I ended the call. Napabuntong-hininga ako. I stared at the buildings around my place. Nagsisimula na din dumilim ang kalangitan. "City lights are the best," bulong ko. Naglakad ako pabalik ng couch nang hindi sinasadya na mapalingon ako sa aking laptop na nasa isang sulok. Natawa naman ako. "Dating site? That's insane." But I found myself browsing the internet and searching for a dating site. Baka naman may makikita nga ako dito, less effort. Ipagpapatuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD