Damon's POV;
Nandito kami ngayon sa back stage at kami na ang pinaka huling mag pe-perform at ramdam ko na ang ingay sa harap dahil maraming na nonood
Hindi namin inaasahang ganun kadami ang manonood kaya nakaramdam kami ng kaba
"Okay guys ready na ang props sa harap so let's start" sabi ni madison
Napatingin ako sakanilang lahat at lahat sila ay may hawak hawak na script at binabasa, nilibot ko ang paningin ko at napansin kong wala si chloe pero maya maya pa ay lumabas na ito at soot soot ang white dress
Ilang minuto pa ay namatay na ang ilaw at ang tanging ilaw na lang ay ang nasa stage at nag start ng tumugtog ang background music
Sabay sabay kaming umakyat sa stage at nag bow saka nag start ang play pero ang nasa stage pa lang ay si angel at andrew
Halata sa kanilang dalawa na may something between them dahil sa pag titinginan nila.... Nag tuloy tuloy ang play hanggang sa kailangan na naming pumasok sa eksena ni chloe
Medyo nailang ako dahil mag ka titigan kami ni lucas at hawak naman ni kurt sa braso si chloe at nag start na ang eksena
"Maawa ka sa sarili mo... Dahil sa ginagawa mo mas kinakahiya kita" acting ni kurt
"Ngunit hindi ko kayang bitawan ka, naging parte kana ng buhay ko pakiusap wag mo akong iwan" halos tumayo ang lahat ng balahibo ko dahil sa sinabi ni chloe kahit pa na arte lang yun
"Hindi na kita mahal, tigilan mo na ako" sabi ni kurt at patalikod na sana ng hawak ni chloe ang kamay ni kurt
"Pakiusap... Pakiusap wag mo akong iwan" parang may kung anong kirot sa puso ko ng marinig yun galing sakanya
"Bitawan mo ako! " sigaw ni kurt at hinatak ni kurt ang kamay nya na hawak ni chloe
Papasok na ako sa eksena ng mapansin kong napalakas ang pag bawi ni kurt ng kamay nya kaya naman nag madali akong pumunta sa gawi nila at saktong nasalo ko si chloe
"Okay ka lang? " bulong ko sakanya at tumango naman sya kaya humarap ako kay kurt at sasabihin na ang linya ko
"Wala kang karapatan para saktan mo si rose sino kaba sa inaakala mo?!" pati ako ay nagulat sa inasta ko dahil napasobra ata ang pag acting ko
Nakita kong nangunot ang noo ni kurt pero sinikap nyang sabihin ang linya nya
"Wala kang alam... Bakit sino kaba sa buhay ni rose? " kurt
"Isa ako sa tunay na nag mamahal ng totoo kay rose... At ako na ang nag mamay ari sakanya" sabi ko at sa puntong yun biglang tumibok ng sobrang bilis ang puso ko
Napatingin ako kay chloe na nakatingin na ngayon sa akin at parang nag tataka ito
Pero halos mabuwal ako ng dahan dahang yumakap sakin si chloe at hindi ko alam ang gagawin ko
'Hindi ito kasama sa script'
"Hindi kasama sa script mo yung sinabi mo... "
Halos mangisay ako ng ibulong nya yon sakin kaya halos gusto ko ng tumakbo dahil sa kahihiyan na ginawa ko
"Masyado kang halata... "
Pag ka sabi nya nun ay dahan dahan syang kumalas sa pag kakayakap ay nakangiting tumingin ito deretsyo sa mata ko
"Salamat, dahil akala ko noon ay hindi na ako muling iibig pa sa iba ngunit ng dumating ka ay nalaman ko na ang ibig sabihin ng pag mamahal... Dahil pinaramdam mo iyon sa akin" sabi nya at halos atakihin na ako sa puso sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko
Pero bago pa ako mahimatay ay biglang pumasok sa eksena si lucas at nakakunot itong lumapit at hinatak papunta sakanya si chloe
"Wala kang karapatan para angkinin ang pag mamay ari ko! Isa kang hamak na tagapag silbi lamang! " sigaw ni lucas at parang makatotohanan ang ginagawa nya
Napatingin ako sa kamay ni chloe na hawak naman iyon ni lucas pero napansin kong parang napahigpit ng pag kakahawak nyang yun
"Walang kaso ang pagiging tagapag silbi dahil wala naman akong natatapakang tao" sabi ko at humakbang ng isa at tinignan sya deretsyo sa mata
"Aanhin mo ang pag mamahal mo sakanya kung sya na mismo ang gumagawa ng paraan para kumawala ka" sabi ko at inagaw ang kamay ni chloe at parang nagulat naman ito
Napakunot ang noo ni lucas at hinawakan ang kabilang kamay ni chloe kaya naman parang pinag aagawan namin ang katawan nito
"Wala kang patunay at wala ka ring laban dahil ikakasal na kami at hinding hindi kana makakalapit pa sakanya" sabi nya na may diin pa sa boses
"Ang kasal ay hindi patunay, ito'y nag bibigay ng karapatan para sa taong nag sasama pero walang magagawa yang papel ng kasal mo kung naka tadhana sya sa iba" sabi ko at parang mas lalong kumunot ang noo nya
"Tama na! " napatingin kami kay chloe ng sumigaw ito
"Tumigil na kayo... Nakapag desisyon na ako sasama ako kay carl" pag tukoy sakin ni chloe
At parang hindi maipinta ang muka ni lucas kaya naman agad itong tumalikod at tumakbo papuntang backstage
Humarap sakin si chloe at humawak ito sa muka ko
"Salamat sa lahat... Ngunit hanggang dito na lamang ako" sabi nya at unti unting napahiga sa sahig
"Huwag mo akong iwan... Pakiusap" sabi ko at hinawakan ang muka nya at dahan dahan nyang hinawakan ang kamay ko
"Mahal kita... Ngunit kailangan ko ng umalis, makikita din tayo hanggang sa muli" pag ka sabi nya nun ay pumikit na sya at yumuko na ako
*CLAPPPPP*CLAPPPP*
narinig ko na ang masiglang palakpakan nilang lahat at ang iba pa ay nag sisigawan
Nakita kong dahan dahan ng tumayo si chloe at nakita ko na rin sila zeke na pumwesto na sa harap kaya naman sumunod ako at sabay sabay kaming nag bow
Bumalik na kami sa backstage at masayang sumigaw sila madison bukod saming tatlo nila lucas at chloe
"Success whoooo!!! Ang galing natin" sigaw ni madison
Nakita kong papalapit samin si miss at nakangiti ito hanggang sa makalapit sa amin
"Sobrang na surprise nyo ako lalo na kayong tatlo... Lucas, Chloe,and Damon" sabi ni miss at ngumiti na lang ako ng pilit
"Thank you po" sabi namin at nag comment pa sya sa mga ginawa namin
Pero may konting ilang sakin dahil ang ginawa namin kanina ay wala sa pinag planuhan naming script
"So we need to celebrate! " sabi ni zeke at sumang ayon naman ang iba
"Guys umiinom ba kayo? " tanong ni angel kaya napatingin ako sakanya
"Umiinom ka? " sabay naming tanong ni andrew at naiilang itong ngumiti
"Ahmm... Konti hehe" sabi nya at parang nahihiya pa
"May alam akong bar" napatingin kaming lahat sa nag salitang si chloe
"Ilang taon naba kayo? " tanong ni zeke
"17" -Keila
"18" -Madison
"18"-Andrew
"17 lang ako" -Angel
"18" -lucas
"18" -kurt
"18 ako pero 19 nako this year" -zeke
"18 ako pero 19 din ako this year" sabi ko at napatingin kami kay chloe na nag sabing may alam syang bar
"17 pa lang ako pero 18 nako this year" sabi nya at bumuga ng hangin
"I'm sorry guys pero hindi ako makakasama ngayon ah... May kailangan akong asikasuhin sa bahay" sabi ni kurt at napatingin ito kay chloe
"It's okay unahin mo muna yun" sabi ni chloe
"Sorry talaga babawi na lang ako next time, guys alis na ako... Chloe ingat ka" pag papaalam ni kurt at nag mamadali itong umalis
"So i guess hindi tayo matutuloy sa bar? " sabi ni lucas
"Why? " seryosong tanong ni chloe
"Wala pa kayo sa legal age" sabi ni lucas at ngayon ay mag katitigan sila pero ngumisi si chloe
"Akong bahala..." sabi ni chloe at akmang aalis na ng pigilan ko sya
"Chloe baka mapasama pa kayo" sabi ko pero tinignan nya ako ng napaka cold nyang tingin
"Red dwarf bar sa QC, the owner of that bar is my uncle so don't worry about it" sabi nya at nag lakad na paalis
"Oh yun naman pala e hahaha lesgooo!! " sabi ni andrew at umakbay kay angel
"Tigilan mo kaibigan ko" sabi ni madison at hinatak si angel palayo kay andrew
"Let's go girls" sabi ni madison at umalis na sila kaya naman sumunod na rin kami sa parking lot
Nang makarating kami doon ay naabutan namin si chloe sa parking lot at naka soot na ito ng helmet pero inangat nya ang glass ng helmet nya
"Mag kita kita tayo dito sa school, madison,keila,angel sakin kayo sasabay papunta sa bar mamaya... Aalis na ako ingat kayo" sabi nya at inistart na ang motor nya, binaba nya ang glass ng helmet nya at pinahahurot na yon
"Sobrang cool talaga nya" rinig kong bulong ni keila at doon ko lang napansin na lahat pala kami ay nakatingin kung saan dumaan si chloe
"Bye na guys nandito na yung sundo ko ingat kayo kita kits mamaya" sabi ni angel at bumaling ito kay andrew tyaka kumaway
Umalis na sila madison at kaming aoat na lang ang na titira dito kaya akma akong aalis ng mag salita si lucas
"Layuan mo si chloe" bulong nya at sakto lang para marinig ko
Agad akong napatingin sakanya at kumunot ang noo ko ng sobrang seryoso ang muka nya. Tinignan ko sila andrew at zeke at mga nakapwesto na ito sa mga sasakyan nila at inaantay na lang kaming sumakay sa sasakyan namin
"Stay away from chloe" pag uulit nya kaya tinignan ko sya ng seryoso
"Why? Are jealous?" sarkastikong tanong ko pero ngumisi sya
"Of course not, but si sunshine? Goodluck dre" sabi nya at aalis na sana ng pigilan ko sya
"Napanood nya? " tanong ko pero ngumisi lang sya at umalis na
Nakaramdam ako ng kaba dahil alam kong nakita nya at hindi imposibleng makita nya...
'Ano tong ginagawa ko?!!!! '
**************
KEEP READING(。♡‿♡。)