Maia’s POV Hindi ko na kayang takasan ang sitwasyong ito. Naririnig ko ang malalakas na yabag ni Kuya Caloy mula sa sala. Hindi siya aalis hangga’t hindi niya ako nakakausap. Wala akong choice. Pinapasok na rin kasi siya ni Maeve. Bahala na nga. Pagdating ko sa sala, nakita ko si Kuya Caloy na nakaupo, hawak ang cellphone pero halata sa postura niya na hindi siya mapakali. Tumayo siya nang makita akong lumapit. Sumilay ka agad ang maganda nitong ngiti. “Maia,” bungad niya habang ngiting-ngiti. Sa totoo lang, suwere na ako sa part na ‘to, na personal pa niya akong kinukulit para lang sa sagala na iyon. Dito palang, alam kong trip niya ako. Huminga ako nang malalim bago magsalita. “Kuya Caloy, pasensya na kung pinaghintay kita. May gusto akong sabihin.” Hindi ko alam kung paano ko sis

