Callahan’s POV Nagtataka ako, wala pa ring reply si Maia. Napapaisip tuloy ako na baka may nauna nang nag-alok sa kaniya. Pero, dapat kahit na may nauna, kapag ako ang nag-aya, ako ang piliin niya. Dapat ganoon, at kung malaman kong may nauna na, hindi ako papayag. Kailangan siya ang partner ko para dawit ako sa spotlight na mayroon siya. Hawak ko ang cellphone ko habang nakahilata pa rin sa kama ko, binabasa ang mga message habang hinihintay ang sagot ni Maia. “Pumayag kaya siya o baka may nauna na talaga?” tanong ko sa sarili habang paulit-ulit kong chine-check ang inbox ko, kahit wala namang bagong notification. Pagkatapos ng ilang minuto, tumunog ang phone ko at isang message ang natanggap ko. Natuwa ako nang makita kong si Maia. “Sure, Callahan. I'll be your partner for the Santa

