"kapal." thinking Of me nya mukha nya!
"Ano pong kailangan nyo sir?" tanong ko.
Tinignan nya lang ako.
Ay grabe sya oh! Ang saya!
May biglang kumatok sa pinto. Tatayo na sana ako.
"Ako na." sabi nya. At tumayo na sya . Umupo nalang ako at nang makabalik sya may dala-dala syang dalawang supot ng pagkain.
Alam ko yan no. Amoy palang nagra-ramble na mga alaga ku sa tyan! Gutom siguro sila
"Here let's have some lunch" sabi nya at nilabas na ang mga pagkain na nakabalot sa plastic.
"Ahm. Sir hindi pa po naman ako gutom. Okey lang po ako" sabi ko at tatayo na sana.
"No. Sit and eat!" matigas nyang sabi .
Wow kong maka asta ASO ako te ASO? Kung makasabi ng sit,eat! Tsk!
Umupo nalang ako wala din naman akong choice. Kumain na kaming dalawa at grabe ang awkward ng hangin sa loob walang nagsasalita ni isa.
Kumain lang ako ng kumain eh sa ang sarap ng pagkain eh!
"Di daw gutom...." mahina nyang sabi . Nagpaparinig batong unggoy nato!!
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nya. Bahala sya dyan! Nang matapos na akong kumain uminom na ako ng tubig.
"ahm. Sir salamat sa lunch sige po balik na ako sa table ko." sabi ko at tumango naman sya.!
Nang makalabas na ako sa opisina nya malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko. Grabe talaga!.
Bumalik na ako sa table ko at binasa ang mga ibang papeles na kailangang basahin. Sa sobrang dami ng binasa ko inabot ako ng alas 4 . Grabe tagal !
Nangangawit na nga balikat at leeg ko sa kakayuko! Hay hirap!
Ano nga ba oras uwian ko? Matawagan nga si Mrs. Helen
(Calling mrs. Helen)
"hello."sagot nya
"Ahm. Mrs. Helen si Crisia po to . Ano po ba oras uwian ko?"
"5:00 Ms. Mendez."
"ahh sige po maraming salamat"
"Okey bye."
At binaba ko na ang cellphone ko.
Kamusta na kaya sina mama at papa! Matawagan nga mamaya.
Mga 4:45 naghanda na ako sa pag alis ko. Mukang busy yung unggoy ah! Hindi kasi sya lumalabas kanina pa.
Paalis na sana ako ng bumukas ang pinto ng opisina nya. Nagkatinginan kami saglit pero umiwas ako . Naglakad na ako papuntang elevator.
Habang hinihintay kong bumukas naramdaman kong nasa tabi ko sya .
Ang awkward nito ngayon. Bahala na nga!
Ting!
Pumasok na kami at tama nga ako ang awkward nga!
Matawagan na nga lang si mama.
(Calling mama)
"hello ma?"
"[oh anak! How are you?]"
"Ito okey lang naman. Si Papa po ma?"
"[ayun. Nasa opisina marami kasing investors natin ngayon kaya busy ang papa mo]"
"ganon po ba? e kumusta mo nalang ako kay papa ma ! Sabihin mo miss na miss ko na sya"
"[Oo anak! Asan ka nga pala ngayon?]"
"ahm. Galing akong trabaho ma. Papauwi narin po ako"
"[ah ganon ba. Mag ingat ka anak ]"
Ting!
Bumukas na ang elevator at lumabas na ako.
"Opo ma ! Kayu din po I Love You"
"[I love you din]"
"sige ma. Sasakay na kasi ako bye po mwuah"
"[bye anak]"
Binaba ko na ang tawag . Nadaanan ko ang table ni Mrs. Helen . At ngumiti ako sa kanya .
Nawala yata yung unggoy!
"Bye Mrs. Helen"
"bye.."
At lumabas na ako sa building at nagpara ng taxi !
Grabe gusto ko ng mahiga sa kama ko! Nakakapagod sobra!
Pagdating ko sa condo ko nag shower ako agad at pagtapos nagpa deliver ako ng pizza !
Nagtatanong kayi san ko nakuha ang pera ko? Nilagyan kasi ni mama ang card ko ng pera.
Pagdating ng pizza binayaran ko na ang nagdeliver. At pumunta ako sa sala para kumain at para manuod nadin ng palabas.
Grabe nakakapagod ang araw nato! Nakakaantok!
Niligpit kona ang pinagkainan ko at dumiritso na sa kwarto ko'