NAALIMPUNGATAN si Catriona nang maramdaman niya ang maiinit na titig ni Trey na pakiramdam niya ay tumatagos hanggang kaluluwa niya. Gumuhit ang ngiti sa labi niya. Then she opened her eyes. Agad sumalubong sa paningin niya ang mga mata ni Trey na kumikislap sa pagmamahal. “Sorry tinalugan kita…” aniya sa paos na boses. Nasa kotse sila. Ang sabi ng binata ay may pupuntahan daw sila. Hindi nito sinasagot ang pag-uusisa niya tungkol sa pupuntahan nila kaya itinigil na rin niya ang pagtatanong. He grinned naughtily. “Naiintindihan ko. You were tired.” Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya. They were too hot for each other and they were always wild in bed. At walang pinipiling oras at lugar ang pangangailangan nila. Match na match sila ni Trey.

