NASA isang high-end mall si Cassandra ngayon. Shopping day for her. She needs new clothes for this coming weekend, she and Gino were invited to attend a party in Boracay. Kaya naman kailangan na magandang maganda sya. Kailan ba naman sya nagpadaig di’ba?
She personally wants to choose her wardrobe kaya maaga siyang nag-out sa opisina.
Nasa isang botique siya when she heard someone was talking behind her back. "Hindi ba, si Cassandra Aragon ‘yan? What is she doing here?! Hindi bagay na narito siya!" napataas naman kaagad ang kilay ni Cassandra. S’ya hindi bagay dito?!
Inilapag niya ang damit na hawak na balak niya sanang sukatin. Lumakad s’ya palapit sa tatlong babae na nakatingin sa kanya.
"Is there any problem?" nakataas-kilay na tanong niya.
Nakita niya na ‘yung isang babae ay hinihila na sa braso ang kasama nito.
"Wala naman. Hindi lang kasi bagay na makita na naandito ka." sabi nung isa na hinihila sa braso. So, ito rin pala ang narinig ni Cassandra na nagsalita kanina.
Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Sinisigurado ng dalaga na mai-intimidate ito sa paraan ng paghagod niya ng tingin. "Me? Hindi bagay sa isang lugar na mamahalin katulad nito?" Umiismid na tanong niya, bakas ng pang-uuyam ang kanyang tono. "Hindi kaya mas bagay na sabihin mo ‘yan sa sarili mo? ‘Coz look at your self, you look exactly like trash. Kamag-anak mo sila, right? Sobrang malapit na kamag-anak." malamig na sabi niya.
Maihahalintulad sa nag-iinit na apoy ang bumakas sa mukha ng babaeng kaharap. "At ikaw pa ang may gana na sabihin sakin ‘yan? Di hamak na mas basura ka kaysa sa akin dahil wala ka namang alam kung hindi ang lumandi!" mariin na paratang nito.
"At least may alam pa akong iba bukod sa maging maganda." sabi niya na tiningnan ito mula ulo hanggang paa ulit. "Eh ikaw? Wala ka na bang ibang alam kung hindi maging isang pathetic loser na lang? Have a change!" mataray na sabi niya at tinalikuran na ang mga ito. Lumakad na siya palayo pero sinigurado niya na mas sexy ang paraan ng paglakad ngayon.
Napansin nya na pinagtitinginan siya ng mga tao na makakasalubong. Isa pa ang mga ito. Hindi na nasanay makakita ng maganda at sexy na katulad nya?! Poor people!
Dahil imbyerna na si Cassandra, nagdesisyon na lang siyang pumunta sa isang restaurant. Pagpasok nya, kanya-kanya na namang bulungan. Nilapitan kaagad sya ng waiter "This way, Miss Aragon." bahagya pa itong tumungo at iginiya sya sa isang bakanteng lamesa.
"Hindi ba ayan ang anak ni Leandro? ‘Yung pinaka powerful sa buong Southern Luzon." narinig niya na sabi ng isang babae habang binabasa niya ang menu.
"Oo nga. I can say that she really has the sophistication and the beauty." sabi pa ng isa. Kita ni Cassandra mula sa gilid ng mata nya na nakatingin ang mga ito sa kaniya.
Hay! Pinaka-ayaw pa naman nya ay ang makilala siya dahil kay Leandro.
"Pero I heard that she's doing good as a businesswoman ha." mga mahaderang tsismosa talaga. Lahat na lang alam!
Cassandra owns several branches of salon/spa nationwide. At pera na ipinuhunan na hindi galing kay Leandro. It was from a trust fund her mother left for her noong nabubuhay pa ito at na-claim niya pag tungtong ng 18th birthday niya. Trust fund na hindi man kalakihan ngunit siyang nag bigay daan upang makapag simula siya at maka alis sa poder ni Leandro. She promised in her mother’s grave na aalagaan niya at palalaguin ang iniwan nito sa kaniya.
Few years later, here she is. A woman on her own, running her own empire. Kaya naman masasabi niya sa sarili niya na kaya niya talaga without her father. And she can claim without a doubt na hindi lahat ng laman ng utak niya ay kalandian lang.
UMAGANG-UMAGA ay mainit na kaagad ang ulo ni Cassandra. Ilang araw siyang hindi naka punta sa main office ng kaniyang negosyo sa kadahilanang may out of town urgent meeting siya. Ngayon tuloy siya ay tambak ng trabaho. It may be the usual, signing papers and meeting with her head employees ngunit siya ang klase ng tao na hangga’t maari ay naiisaayos na kaagad ang mga dapat ayusin.
"Ma'am heto na po ang kape nyo." sabi ng sekretarya niya pagpasok sa kaniyang opisina.
Mabilis niya itong kinuha dahil kanina pa nanghihingi ng kape ang kaniyang katawan. She couldn’t function well without having a cup of coffee first.
Palabas na sana ang sekretarya niya nang mapaigtad sa lakas ng boses ni Cassandra. "Damn!" sigaw niya at inihagis ang mug. "Hindi ka ba marunong maglagay ng sugar ha?!"
Halata naman sa mukha ng pobreng sekretarya ang namuong takot dulot sa tila kulog na sigaw ni Cassandra. Alam ng lahat sa opisinang ito kung paano magalit ang kanilang boss. Nobody would ever want to be the cause of her wrath. They’ve witnessed how easily Cassandra fire an employee just because of a single mistake.
"S-sorry po. Papalitan ko na lang." nilapitan nito ang nabasag na mug.
Aktong pupulutin na ng kaniyang sekretarya ang mga bubog. Napailing naman siya at napatayo sa lalong inis na nadarama. "Really, pupulutin mo ang mga basag na bubog? Ginagamit mo ba ang iyong utak, Cheryl? Get a broom and sweep it instead of picking it up!” Triple na ang lakas ng boses ni Cassandra ngayon. Hindi na nakakapag-taka kung rinig ito sa labas ng silid.
Taranta naman na tumayo ang kawawang si Cheryl at halos matapilok sa pagmamadali na makalabas ng silid upang kumuha ng walis at dustpan.
Pabagsak na bumalik sa pagkaka-upo sa kaniyang swivel chair si Cassandra kasabay nito ang pag tunog ng private landline niya.
"Hello?!" irita pa rinang boses niya nang sagutin ang tawag.
"Hey, sweetie! No need to shout, hindi ako bingi." si Gino ang nasa kabilang linya ng tawag.
"Oh ano? Bakit ka napatawag?"
"Ire-remind ko lang ang pagpunta natin sa party the day after tomorrow."
Napasandal si Cassandra sa upuan. "Okay."
"Ayun lang naman. I know you're busy kaya ganyan na naman ang aura at tono ng boses mo. Bye!" Hindi na hinintay ni Gino ang tugon ni Cassandra at mabilis na itong nawala sa linya.
Paismid na ibinaba ni Cassandra ang telepono. Oo nga pala. Aalis pa sila sa isang araw kung kaya mas kailangan niya na matapos ang mga dapat na tapusin.
2 days later...
Nasa Aklan Airport na sila ni Gino ngayon. They’re just waiting for a ride going to their hotel. And damn! 10 o’clock A.M. pa lang ngunit sobra na ang init!
Nakatayo sila sa may isang tabi nang maagaw ang atensyon ni Cassandra ng isang lalaki. He looks familiar!
Tama! Ang lalaki sa Embassy Bar na nang-snob sa beauty niya! Small world naman pala talaga! Dito niya lang pala ito makikita ulit. Nakita ni Cassandra na pasakay ito sa isang kotse. A smile formed in her lips.
"Hey! San ka pupunta, bruha!?" narinig ni Cassandra na habol ni Gino na hindi niya pinansin. Tuloy-tuloy lang ang lakad ng dalaga papunta sa pakay niya.
Naglakad siya palapit sa kotse. Akma na sasakay na ang lalaki nang pigilin ni Cassandra ito sa braso.
"Hey!" bati ni Cassandra na may matamis na ngiti sa labi.
Nagtataka naman na napalingon sa kaniya ang lalaki. "Remember me?" May bakas ng kaharutan na tanong niya sa binata.
"No." Malamig na sagot ng lalaki at sumakay na ng tuluyan sa kotse.
And can you believe that?! Iniwan na naman nito ang dalaga for the second time!
Isang nang-aasar na tawa ang narinig ni Cassandra. "Looks like you left your charm at home, sweetie." Bakas ng pangangantiyaw na wika ni Gino. Matalim naman ang mata na nilingon niya ito.
"Siya yung lalaki sa bar na sinasabi ko sayo last time!" inis na usal ni Cassandra. Kulang na lang magpapadyak siya dito sa sobrang inis!
"So, snob na naman ang kagandahan mo! At ang gwapo nya pala ha! Sabi mo hindi." naka-pout na sabi ng malanding bakla.
"Hindi sya gwapo!" Inis kong kontra sabay walk out.
Hindi talaga matanggap ng pride ng dalaga na pangalawang beses na nito itong ginawa sa kaniya ng kung sino mang herodes iyon! Pagbabayarin niya na talaga ito sa susunod! Ramdam niya na hindi ito ang huli nilang pagkikita kung kaya humanda ang lalaking ito kay Cassandra. He can't get away with this easily, she’ll make sure he’ll pay for this threefold.
Kaya naman pagdating sa resort, madilim na ang itsura ni Cassandra. Tahimik lang si Gino dahil kilala nito ang temper ng dalaga.
Mamaya pa namang gabi ang party na pupuntahan nila, kaya nag decide sila na mag swimming na lang muna. At heto ang favorite ni Cassandra, dahil dito mas nailalabas niya ang ka-sexy-han niya. Swimwear kung swimwear. Kahit papaano na-relax ang isip ng dalaga at nakalimutan ang nangyari kanina.
Nag-ayos na siya. Floral swimsuit ngayon ang sinuot niya na inadornohan niya ng necklace at piniling itaas ang buhok upang mas exposed ang kaniyang makinis na leeg.
Nang satisfied na sa kaniyang itsura ay isinuot na niya ang cover-up na partner ng kaniyang swimsuit. Pinili niyang itago muna ng bahagya ang kaniyang katawan sa mga makakasalubong patungo sa dalampasigan upang lalong masurpresa ang mga ito kapag inalis na niya ang tapis. That’s what she always wanted, attention.
Sa taglay niyang ganda at kinis ng kutis, idagdag pa ang katawan niyang tama ang kurba ay wala sinoman ang hindi mapapalingon sa kaniya. Women will surely look at her with envy at ang mga lalaki ay tila naman mga aso na maglalaway sa kaniyang angking kagandahan. Tila siya diyosa na bumaba sa lupa.
Sandaling napawi ang kaniyang ngiti nang maalala ang engkuwentro na nangyari sa kanila ng isang hindi nakikilalang lalaki sa airport. Ito lamang ang nag-iisang gumawa nito kay Cassandra.
Sa susunod sisiguraduhin niyang makikilala nito kung sino siya at hinding-hindi nito makakalimutan.
Gaya ng inaasahan, nasa elevator pa lamang sila ay nagtitinginan na ang mga kasabay nila. Habang naglalakad sa lobby ay napapatigil ang ilan sa pag-uusap upang tingnan siya. The attention she always look forward and it never cease to happen.
Pagpunta nila ni Gino sa dalampasigan, ang mga lalaki, halos lumuwa ang mga mata at tumulo ang laway sa pag tingin kay Cassandra. Ganito na kaagad ang atensyon na natatanggap niya nang hindi pa man inaalis ang tapis na naka-ibabaw sa suot niyang swimwear.
Palihim na nangingiti si Cassandra at nag kunwaring hindi aware sa atensyon na natatanggap mula sa mga tao sa paligid. Patay-malisya niyang inalis ang tapis at hindi nakaligtas sa kaniyang pandinig ang may mangilan-ngilan pang napasipol nang mapagmasdan ang mas nag-uumapaw niyang kagandahan. Maihahalintulad sa porselana ang kaniyang kutis na mas nangibabaw nang matamaan ng sinag ng araw.
"Grabe. Wala na talagang lugar na walang ma-attract sayo, Cass!" mahinang usal ni Gino. Napangiti naman siya ng maluwag.
"What do you expect? Ganyan naman kayong mga lalaki ah."
"What! Hindi ako lalaki! Babae ako!" at inirapan pa siya ni Gino.
"Whatever!" lumusong na sila sa dagat at nagtampisaw.
Sumisid si Cassandra pailalim. Pag ahon ng ulo, may nakita siyang lalaki na lumangoy palapit sa kaniya. Oo at alam niya na siya ang pakay nito, sya lang ang narito sa part na ito ng dagat. Hindi niya namalayan na napalayo na siya kay Gino at sa iba pang nagsu-swimming ngayon.
"Hi, gorgeous!" nakangiti na bati ng lalaki. Infairness, gwapo ito ha. And the heck! Ang wet look nito ay lalo lang nakaragdag sa appeal nito! Nangingiting sinuklay pa nito ang basa nitong buhok. Ang sexy tingnan!
"Oh hi, handsome." malandi namang ganting-bati ni Cassandra.
"Would you like to spend time with me?" nakangiti pa itong tila nang-aakit. Lumapit nang bahagya ang lalaki upang magkadikit ang kanilang basang mga katawan.
Gumanti ng ngiti si Cassandra sa kaparehong paraan. Sa ganito naman palagi nag uumpisa ang lahat. Mukhang kakarating pa lang ng dalaga sa lugar na ito, ngunit may mapapaglaruan na kaagad siya.
"Not so fast." itinulak niya ito ng bahagya at lumangoy na ulit pabalik sa pampang. Naramdaman niyang mabilis na sumunod ang lalaki.
Naglalakad na si Cass paahon nang humabol ang lalaki, "Where are you going? I’d like to spend time with you!” Bakas ang frustration sa tono ng lalaki.
Hinarap ni Cassandra ito at puno nang pang-uuyam ang ngiti. Lumapit siya ng bahagya sa kaharap at bumulong, "I don't like you." marahas niyang usal.
Natigilan nang bahagya ang lalaki ngunit mabilis na nakabawi. "Then let me change your mind." Hinapit siya nito sa baywang at agarang hinalikan siya sa labi.
Nakarinig sila ng sigawan na nanggagaling sa umpukan ng mga lalaki sa hindi kalayuan mula sa kanilang kinatatayuan. “That's our man!"
Hinayaan ni Cassandra na halikan siya nito ngunit hindi siya gumaganti. Naging malamig ang pagtanggap niya sa mapangahas na labi ng lalaking ito na hindi man lang niya alam ang pangalan.
Makalipas ang ilang segundo ay kumalas na siya sa lalaki. "It still doesn't change, you lousy kisser." tinapik niya pa ito sa pisngi sa paraang nang-aasar at wala ni katiting na emosyong makikita ang kaharap. Tigalgal na iniwan niya ang lalaki na siyang naging dahilan upang mas lumakas ang kantiyawan sa grupo nito.
Hinanap niya si Gino sa paligid at natagpuang nasa isang shed kasama ang ilan sa kanilang mga kakilala.
Kakilala lamang ngunit kailanman ay hindi niya maiko-konsiderang mga kaibigan. She carefully choose her friends. Not everybody are allowed to enter and get to know the real Cassandra Aragon.
These people are just her mere acquaintances, no emotional attachment whatsoever.
"That was quite a show, girl!" maarte na sabi ni Marj paglapit ni Cassandra sa mga ito. Isa si Marj sa mga babae na akala mo kung sinong ka-close niya pero isa rin naman sa mga naninira kay Cassandra kapag siya nakatalikod.
"You call that a show? No it was not. Dahil kulang pa yan sa kaya kong gawin." nakataas-kilay naman na sagot niya rito. "See the guys drooling over me? ‘Yan ang gayahin mo." tonong maldita na naman si Cassandra.
More often than not, she couldn’t really stand fake people. She’d rather be alone than with a bunch of as*holes acting to be happy with her victories but silently pulling her down behind her back. That was why Gino is her only friend.
Gino proved to her many times how real he is to her. Through thick and thin, he’s always with her. If only Gino isn’t gay, she might have liked him in different perspective, well romantically maybe. Although she must admit she isn’t a believer of love. But maybe, just like learning how business works, she might also learn how to love in a romantic way.
Ngunit hindi niya ginagarantiya sa kaniyang sarili na matututo siyang magmahal ngunit alam niya sa loob niyang mahabang proseso ito at hindi madaling matutunan. Kung mangyayari ito? Hindi niya alam. Maaring matutunan, maari rin namang habang buhay na siyang tilang buhay na robot na emotionless.
Si Gino naman ang binalingan ni Cassandra. "Babalik na muna ako sa room ko. Pumangit na kasi ang view dito." hindi na niya hinintay na makasagot pa si Gino. Umalis na din kaagad si Cassandra.
Okay nang patikim ito sa mga nandoon sa shed. They should always keep in mind that they are not her friends and should always set boundaries.