HALOS dalawang linggo na ang nakakaraan ng gabing may nangyari kay Daryl at Cassandra. Nagising na lang si Daryl na wala na ang dalaga sa tabi niya. Tanging ang mabangong amoy na lang ang iniwan nito sa ginamit na unan at ang nagmantsang dugo sa bed sheet. Ilang araw din siyang hindi mapalagay. Gusto niyang makausap si Cassandra. Hindi niya kayang balewalain lang ang nangyari sa kanila. Siya ang nakauna sa dalaga! Sapat ng dahilan iyon para panagutan ni Daryl si Cassandra. Oo nga at hindi niya mahal si Cassandra, at lalong hindi siya nito mahal ngunit paano kung magbunga ang nangyari sa kanila? Ayaw niyang maging bastardo ang anak niya kung sakali. Hindi nga lang mahagilap ni Daryl si Cassandra sa nakalipas na mga araw. Kahit ang bahay nito ay hindi din yata inuuwian. Parang tinataguan

