NAPILITAN lang magmulat si Cassandra nang marinig na nagsalita si Daryl. "Two cheese burgers, both large fries and pineapple juice." may kausap ito na nasa isang window. Nasa drive-thru pala sila ng isang fastfood chain. Sinulyapan siya ni Daryl bago nag-maniobra na sa susunod na window. "Sinabi ko----" "Huwag ka na magreklamo, okay? Nakabili na ako. Kainin mo na lang. Baka kasi matagalan tayo bago makarating dahil rush hour ngayon. Traffic." May punto naman ito. Traffic ngayon. At baka halos seven o'clock na sila makarating sa pupuntahan. Kaya naman hindi na siya nakipag talo pa. "Okay. Thanks." na sinuklian lang siya nito ng ngiti. Nang makuha sa window ang order nila ay inabot sa kaniya ito ni Daryl. Nag-resume na ulit ito sa pagmamaneho. Paglabas nila sa kalsada, hindi naman heavy

