Chapter 42 “Did you saw how Phantom’s fight? Westaria found a bunch of strong branches in his tree. I’m satisfied from what I watched in that battle arena.” Nakatingin lang ang anim na founders sa kanilang head na bakas na bakas sa boses nito ang saya sa napanuod niya sa laban sa pagitan ng mga ipinasok na member ni Taz sa bound nito laban sa underbosses ni Levi. Aaminin nila na nag-enjoy din sila sa nasaksihan nilang laba, pero alam din nila na dahil sa pagkapanalo ng kampo ni Taz ay nadagdagan ang interest ni Valdemor sa Emperor ng northbound. “Ngayon nalang ulit kitang nakitang nag enjoy ng ganiyan sa isang laban sa battle arena, sa huling pagkakatanda ko, ganyan na ganiyan ang excitement mo noong laban ni Westaria at ng dating emperor ng northbound na si Ahmon.”pahayag na puna ni T

