CHAPTER 3 "Goodmorning bestfriend!" Napapikit si Taz sa unang boses na narinig nya pagkapasok palang nya ng classroom nila.Hindi maisip ni Taz na ito ang sasalubong sa kanya sa umaga at mambubwisit sa kanya sa buong hapon. Maaga syang pumasok sa School dahil naiirita sya sa kadaldalan ng kapatid nya kaya iniwan nya ito ng di nito alam.Kagabi pa kasi sya nito kinukulit tungkol sa babaeng nakita nya sa Journalism Department at mukhang gusto ito ng kapatid nya para sa kanya pero hindi nya nalang pinapakinggan.Sinabi narin nito ang pangalan nung babae pero hindi narin naman nya matandaan dahil wala naman syang pakielam. Taz doesn't care on any girls or think about to enter on a relationship dahil wala yun sa mga plano nya.Ang nasa isipan nya lang na kailangan pagtuunan ng pansin nya ay ang

