Chapter 50 Nang maka-uwi si ToV sa sarili niyang bahay pagkatapos ng meeting nila sa underground ay natigilan siya ng makita niya ang isang pamilyar na kotse sa tapat ng bahay niya. Napabuntong hininga si ToV dahil alam niyang ang kaniyang ama ay naghihintay sa kaniya sa loob ng bahay niya na pinagsisisihan niyang binigyan niya ng duplicate key. Nang mag fourth year college siya ay nag decide na siyang maging independent na sinuportahan ng kaniyang mga magulang. Humiwalay man siya sa mga magulang niya ay nauwi pa rin naman siya sa mansion ng mga magulang niya tuwing weekends. Nang makapasok si ToV sa bahay niya ay natigilan siya ng hindi ang ama niya ang nadatnan niya sa bahay niya kundi ang nakatatanda niyang kapatid na successful lawyer pero sa America naka base at minsan lang

