Chapter 37 Matapos ang naging mabilis na laban ni Lunova ay magsisimula na ang ikatlong laban sa pagitan ni Shawn at sa kalaban niyang Elite ng southbound underbosses na si Jake Buena. Parehas mahusay sa pag-atake at pag-iwas ang bawat isa sa kanila pero mas nakakalamang na si Shawn dahil napuruhan niya ng suntok sa mukha, sipa sa tagiliran at sa may bandang balikat nito. Nang parehas silang umakyat sa arena ay wala ng pag-uusap na naganap sa kanilang dalawa dahil sabay silang sumugod sa isa’t-isa, sa una ay walang nagpapatalo sa dalawa hanggang sa makakuha ng butas si Shawn dahilan para mapatamaan niya ang kalaban. Ngayon ay parehas silang hinihingal habang nakatayo di kalayuan sa isa’t-isa at tinatansa ang gagawin nilang kilos. May pasa din na nakuha si Shawn sa kaliwang pisngi niya pe

