Chapter 48 Sa loob ng opisina ni Taz ay may kaniya-kaniyang pwesto ang sina Paxton, magkatabing naka-upo sa pang-isahang sofa si Balance at Travis na sa armrest naka-upo. Si Ford naman ay sa isang upuang kahoy piniling umupo katabi si Paxton na nakatayo lang sa gilid niya. Nakasandal lang sa pader si Yo na tahimik na nagmamasid sa paliid dahil hindi pa niya kilala ang mga kasama niya maliban kay Lunova at ToV na magkatabing nakatayo sa likurang upuan nina Balance. Magkatabi naman sa mahabang sofa ang kambal, si Sergio at Tad na may ilang layo ang pagitan ng upo kay Sergio dahil sa mga kasama niya sa loob ng opisina ni Taz, kay Balance palang siya kumportable. Si Shawn naman ay naka pwesto sa may tabi ng isang malapad na glass door kung saan terrace ng opisina ni Taz ang lalabasa

