Nangangatog ang mga tuhod ko dahil sa takot. Takot na baka iputok nila sa akin ang baril na hawak nila. Ngayon ko lang mas namukhaan ang babae. Siya nga iyong babae kanina na pumasok sa comfort room dahil sa suot nito. Morena ang kulay ng balat niya. Medyo malaman din siya at mukhang mas matangkad ito kaunti sa akin. Itim ang kulay ng kanyang mga mata at buhok. Mamula-mula rin ang kanyang mga labi. Pero mas nag bigay ng kalituhan sa isip ko iyong lalaki. Hindi ako nagkakamali kanina sa pandinig ko. Siya iyong waiter na naka-sagi sa baso na malapit sa akin kaya nabasa ang damit ko. Ngayon ko lang mas natitigan ang mukha niya. Bilogan ang kanyang mga mata na kulay itim rin katulad noong babae. Mas matangkad ito sa babae. Medyo payat nga lang ito at maputi rin. Nalilito ang isip ko sa mga

