"Ano'ng ginagawa mo rito?" pagsusungit ko kay Lincoln nang madatnan ko silang dalawa ni Austin sa labas ng Math Club. Nabigla pa siya nang makita ako at marinig ang boses ko. "Napadaan lang kami," aniya sa akin at mabilis na naglakad paalis. Napasimangot na lang din ako sa kanya. Maya-maya ay biglang dumating si Ingrid. Umakbay siya sa akin at nagsimula na kaming maglakad. May isa siyang babae na kasama na nasa kabilang gilid ko naman. "How's Math?" tanong ni Ingrid sa akin. "Sakit ng ulo, as always," tugon ko at saka lumingon sa kabilang gilid ko. Ngumiti ako sa babae at namukhaan ko siya. Siya yung babae na nagpa-picture sa akin noon, at sinabi niyang siya rin ang nagbulgar ng tungkol sa pambugbog sa akin ng grupo nina Thania at Tamara dahil hindi kinaya ng konsensya niya na manahimi

