Napabangon ako nang maalala ko ang mga pangyayari. Kasabay no'n ang pag-angat ng ulo ng lalaki na kanina'y nakaub-ob sa bed na hinihigaan ko. It was still Lincoln.
"Hey, you're awake." Namamaos ang boses niya nang sabihin iyon. Gulo-gulo ang buhok niya. Halatang bagong gising lang. Tumingin siya sa relo niya at nangunot ang noo. "Alas sais na ng gabi."
Alangan akong tumango. "And?" Napatitig muna siya sa akin bago napangiti at napailing, tila ba nakarinig ng isang nakakatawang biro.
"Uwian na." Sumandal siya sa monoblock na inuupuan niya at nag-inat ng mga braso, tapos ay tumayo na at nginitian ako. Tumingin muna siya sa paligid bago nito inilapit ang mukha sa mukha ko. "Let's go home."
Natigilan ako. "Shall we?" Bumaba ako sa kama, kinuha ang bag ko at naglakad palabas ng pinto.
"Are you really okay?" Nahinto ako sa paglalakad nang marinig ang tanong niya sa 'kin. Nilingon ko siya. Nakaupo pa rin siya sa monoblock at saka nag-aalala. "Walang masakit sa 'yo?"
It was my first time seeing him like that.
Napataas ang kilay ko sa narinig at naiiling na nagpatuloy sa paglalakad. "I'm good as new," tugon ko nang hindi lumilingon sa kanya. Naramdaman ko na lang ang paghabol niya sa 'kin at ang pagsabay niya sa paglalakad.
Halos madilim na nang lumabas ako. Wala nang masyadong estudyante kaya tahimik habang naglalakad kami.
Saktong paglabas ko ng gate, naramdaman kong may nagmamasid sa amin kaya inilibot ko ang paningin ko. I'm pretty sure na may nakatingin sa amin.
Lumingon ako kay Lincoln. Imposibleng hindi niya alam na mayroong nagmamanman sa amin, ngunit straight face lamang naman ang pinapakita niya. Pero hindi ako mapakali dahil ramdam ko ang pagsunod nila. Hinayaan ko lamang sila.
Malapit na kami sa dorm at hindi pa rin nawawala ang presensya nila. Akmang hihinto na ako sa paglalakad upang sabihan si Lincoln ngunit nagulat ako nang bigla rin siyang huminto at may hinagis na kung ano sa isang direksyon.
"Damn!" narinig naming sabi ng isang boses.
Dali-dali ko iyong hinarap at halos mapamura nang makita ang mga itsura nila. Nakataas ang magkabilang mga kamay ng mga ito na para bang sumusuko. Isa-isa ko silang tiningnan. Hindi ako pwedeng magkamali.
Austin, Easton, and isang lalaki na hindi ko alam ang pangalan. He must belong to their pack.
"What the hell?" naibulalas ko. Naisuklay ko ang kamay ko sa buhok ko at napalingon kay Lincoln na masama ang tingin sa kanila.
"What do you think you're doing?" galit na tanong ni Lincoln sa dalawang kapatid at isang kasama.
Sabay-sabay silang lumapit sa akin na ikinagulat ko. Sa akin at hindi kay Lincoln! Si Austin ay nakangiti sa akin habang si Easton ay tahimik lang, siguro ay dahil sa presensya ko.
"Nadaplisan ako," reklamo ng isang kasama nila. Nagdurugo ang pisngi niya. Namilog ang mga mata ko nang makita ang pag-agos ng dugo! Literal na napasinghap ako sa kaba. Ganito talaga maglambingan ang mga Conor?
"Sinusundo niyo ba ako?" inis na tanong ni Lincoln. Umiwas sila ng tingin ngunit si Austin ang naglakas-loob, siguro ay bilang Beta ni Lincoln.
"Sinusundan namin si Astrid, hindi ikaw. Why do you have to accompany her?" reklamo ni Austin. They are kidding... right?
Lincoln rolled his eyes. "Liars." Nagsimula na ulit siyang maglakad at hinawakan ang kamay ko dahilan upang mapasabay ako sa kanya. "Umuwi na nga tayo," aniya pa.
Nanatili akong nakalingon sa tatlong sumusunod sa amin habang kinakaladkad ako ni Lincoln patungo sa dorm.
"Hoy, Lincoln!" Nagulat ako nang biglang sumigaw si Easton habang nakaduro sa kapatid. "Saan ka sa tingin mo uuwi? May sarili kang silid," dugtong pa niya. Ngayon ko lamang nakita ang Kuya side nitong si Easton dahil parati siyang naka-resting b***h face at mukha talaga siyang istrikto.
Natigilan si Lincoln at lumingon sa kanila for the last time.
"I'm going home with Astrid," diin niya at nagpatuloy na sa paghila sa akin.
Nakarating kami sa silid namin ni Ingrid nang tahimik. Hindi naman na sumunod pa sa amin ang tatlo at mukhang nasindak sa mga tingin ni Lincoln, although I know that that was not the case sa dalawa niyang nakatatandang kapatid.
Pinaupo ako ni Lincoln sa kama at mukhang iniinspeksyon niya pa ako kung okay lang talaga ako.
"Akala ko ay may nangyari nang masama sa 'yo," narinig kong sabi niya. Napaangat ako ng tingin kay Lincoln na nakatayo sa harapan ko at diretsong nakatingin sa aking mga mata. Nakasimangot siya at marahang inabot ang aking pisni. "Don't ever do this again, hmm?"
I sighed. "Fine. I'm sorry." Gusto ko mang depensahan ang sarili ko at sabihing hindi ko naman ginusto na mawalan ako ng malay, ngunit baka humaba lamang ang usapan at mag-usisa pa siya tungkol sa dahilan ng pagkahimatay ko.
Mukhang nabigla siya sa biglang paghingi ko sa kanya ng paumanhin. "It's okay. I was really worried... but just a little," mahina niyang sabi at saka na naglakad palayo sa akin. Napataas ang kilay ko nang dahil doon at pinagmasdan na lamang siya.
He was wearing a plain black shirt paired with a brown trouser. Pagtingin ko sa kanyang mga paa, halos mapahagalpak ako ng tawa nang dahil sa nakita ko. Napansin niya na nakatingin ako sa direksyon ng mga paa niya kaya napayuko siya to check them out.
"You were worried just a little, right..." sarkastiko kong sabi habang nakatingin sa suot niyang magkaibang pares ng tsinelas.
Nang tingnan ko ang mukha niya, nakita kong hindi siya aware sa mga suot niya. Napansin ko rin ang pamumula ng kanyang tainga nang dahil sa pagkahiya.
"Right. I was worried to death nang maramdaman kong may nangyari sa 'yo, so tumakbo ako galing sa dorm para pumunta sa kinaroroonan mo," pag-amin niya at saka nagtungo sa kama ni Ingrid at doon naupo. "You drive me crazy, Astrid."
Ako naman ang namula nang dahil sa sinabi niyang iyon. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko nang dahil sa kaba na hindi ko alam kung ano'ng dahilan. Sa sobrang pagmamadali niyang puntahan ako, magkaibang tsinelas ang naisuot niya?
"But wait—nararamdaman mo ang nangyayari sa 'kin?" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.
"Well... I'm a werewolf. It's called werewolf's instinct," pagyayabang niya but I'm not buying that crap!
"That is not how that instinct works," angal ko sa kanya dahilan upang mapahalakhak siya nang mahina. Because that mesmerizing laugh is rare, it was like a music into my ears!
"You think so?" tumatawa pa ring sabi niya. Ayaw matigil ng utak ko sa paghiyaw kung gaano ka-guwapo ang tawa niya. "Well, it's a bond between mates. You cannot feel it yet, like not this intense, since we haven't already made it official with a bite."
Napakurap ako nang maraming beses. Alam ko na lobo si Lincoln at anytime pwede niya akong kagatin para maibsan ang uhaw na nararamdaman niya, however, I felt at ease when he's around... or close.
"By the way, that students are a little weird today..." mahinang sabi ko at humiga na sa aking kama. Napatitig ako sa puting kisame. "Or gano'n talaga sila at hindi lang ako nagmamasid noon masyado?" Well, hindi naman talaga ako naglilibot sa campus before. Umiikot lang ang mundo ko sa sarili ko, sa klase, kasama si Ingrid.
"You don't have to dive deeper into the truth. Just graduate and leave," advice sa akin ni Lincoln na ikinalito ko lalo.
Napatingin ako sa kanya at bahagyang napakunot-noo, dahil pakiramdam ko ay may mali akong narinig.
Hindi na siya umimik at narinig ko lamang ang pagtayo niya mula sa kama ni Ingrid at nagtungo na sa kusina. Narinig ko lang ang pagkalansing ng mga kasangkapan na tila ba magluluto siya.
"I'm fine. You can go back to your room," sabi ko sa kanya at saka na ako nagtalukbong ng kumot upang pilitin na makatulog kahit na halos kakagising ko lang sa clinic.
"I'll cook for dinner. Aalis lang ako kapag nakabalik na si Ingrid. I can't leave you all alone starting today," rinig kong sinabi niya. Inalis ko ang kumot sa mukha ko at umupo. Pinagmasdan ko ang kanyang malapad na likod and wondered if maayos na kaya iyon, hindi na sumasakit ang mga sugat na natamo niya roon?
"Hindi uuwi si Ingrid ngayong gabi," kunot-noong sabi ko sa kanya.
Lumingon siya sa akin at napangisi. "Much better."
Namula ang buong mukha ko nang dahil sa sinabi niya. What was he thinking?
Dahil wala akong magawa at wala na rin akong magagawa, bumangon na lang ako at lumapit kay Lincoln na nagluluto. Dahil sa malinis niyang hitsura at magandang postura ay mukha siyang isang propesyunal na cook.
Hindi ko pa man nakikita ang niluluto niya ay hinila na niya ako patungo sa isang upuan at sinenyasan ako na umupo. Napasunod na lamang ako sa kanya.
Umupo ako at pinagmasdan siya sa ginagawa niya. Maya-maya ay binalikan niya ako na mayroon siyang dalang isang puting babasagin na plato at inihapag iyon sa harap ko.
Isang cup ng rice, dalawang hotdog, at isang sunny side up. Gusto kong matawa dahil tinawag ko siyang mukhang isang propesyunal na cook, pero ito lang pala ang niluluto niya for dinner?
"Napaaga yata ang breakfast natin?" biro ko sa kanya. Inismiran niya lang ako bago umupo sa tapat kong upuan at nagsimula na ring kumain.
Hindi ko na lang pinansin ang maya't maya na pagtingin niya sa akin at inubos na lang ang lahat ng nasa plato ko. Matapos kong kumain, inabutan niya ako ng isang baso ng malamig na tubig.
Pinunasan ko ang bibig ko. "What do you mean to not dive deeper into the truth? May hindi ba ako nalalaman sa school na 'to?" usisa ko sa kanya. I've been attending this school for a few years now, and yet may hindi pa rin ako alam tungkol dito?
Umiling siya. "I'm just saying that it's best not to be aware of anything. It will only cause you worry," paliwanag niya at muling nginuya ang kinakain.
Tumango-tango na lang ako sa kanya. "You're right..." pagsuko ko. Naka-survive naman ako ng ilang taon nang hindi nalalaman ang kung ano man ang dapat kong malaman tungkol sa paaralan na ito, kaya makakaya ko until graduation. Magpi-pretend na lang ako na wala akong napapansin at nararamdaman na kakaiba sa ibang mga estudyante.
Matapos kumain ni Lincoln ay iniligpit na niya ang mga pinagkainan at pinaggamitang mga kasangkapan. Nag-volunteer ako na ako na ang maghuhugas ng plato since siya na ang nagluto, ngunit ayaw niyang pumayag ako.
"You should rest," sabi niya at halos mapasigaw ako nang bigla niya akong buhatin na parang isa akong bride niya. Tinapik ko ang braso niya ngunit hindi siya natinag at ibinaba niya lang ako sa aking kama. "Stay right there and wait for me." Napaawang pa ang mga labi ko nang kumindat siya sa 'kin. The f**k!