Ilang minuto na magkalapit ang mga mukha namin ni Lincoln ay biglang mayroong imahe na nag-flash sa isip ko. Napahawak ako sa ulo ko at kunot-noong napatingin kay Lincoln. Malabo pa rin ang mga imahe ngunit eventually ay bumuo iyon ng isang istorya—isang alaala, to be exact. "Are you okay?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Lincoln at saka ako inalalayan na umupo muna sa pinaka-unahang upuan na mahaba rito sa chapel. Nakakunot pa rin ang aking mga noo at biglang napatingin sa kanyang mukha. "I-I think I remember now. I finally remember what happened at Nicholas' party..." naibulalas ko dahilan upang mamilog ang kanyang mga mata. He knew about it and he didn't even tell me! Humiwalay ako sa kanya at umupo nang maayos. Napatulala na lamang ako sa harapan as the memories came flooding my hea

